Make your own free website on Tripod.com
« March 2017 »
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
Ang Lipunan
Kaibigan
Opismeyts
Pamilya
Para sa Kaluluwa
Para sa Puso
Samu't Sari
Si Ako
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
Tula-tulaan
Thursday, 3 November 2005
Nang Minsang Maligaw
Mood:  lyrical
Now Playing: Magpakailanman
Topic: Kaibigan
Minsan ay napadaan sa landas
Ng lilo at kasinungalungan
Kung saan nagising ang damdamin
Ng init, at hindi pagmamahal.

Init na lumukob, katauhan
Naging sunud-sunuran dito
Aliping mapaghanap ng init
Ngayon ay natagpuan ang nais.

Ibinaon sa limot – katwiran
Kinalimutan ng sadya – oo!
Maranasan lamang sayang dulot
Ng hindi tunay na pagmamahal.

Puso’y nag-uumapaw sa tuwa
Ramdam niya’y kabataa’y bumalik
Para bang diyosa ng kagandahan
Kinababaliwan ng ‘sang hangal.

Ano ba’t sa isang iglap’y heto
Nakawala sa hawla ng lilo
Diwa’y nakatakas sa halina
Ng ‘sang mapag-imbot na palalo.

Ang pagmamahal palang totoo
hindi mula sa init ng katawan
Kundi mula sa init ng pusong
Tunay at wagas ang pagmamahal.

“Sino ka bang magaling na tao
Para ako’y sumbatan ng todo?
Hindi mo hawak ang aking buhay
Aking gagawin nanaisin ko!”

Hindi magaling ang tawag sa ‘kin
Kundi biktima ng nakaraan
Isang ligaw na kaluluwa – ah!
Na namatay at muling nabuhay

Namatay dahil sa kasalanan
At nabuhay sa katotohanan
May payapang isipan at loob
Walang bagabag na dala-dala.

Nakangiting palagi’t may ningning
Mga matang mulat sa totoo
Lagi’y magaan ang pakiramdam
Paano’y nariyan ang Lumalang.

Pakaingatan mo na ikaw ay
Madarang sa init ng palalo
Hangad niya’y isang bagay lamang -
Ang ikaw ay gawing alipin.

Nakalulungkot isipin, tao
Kung hindi ka na makakaahon
Sa lusak na pinili mong higit
Dahil sa init na hanap-hanap.

Posted by bingskee at 9:49 PM
Wednesday, 20 July 2005
May Kwento! May Kwento!
Topic: Opismeyts
May kwento sa isang pagawaan
Ang iba ay may katotohanan
Ang iba naman ay di totoo
Mga paulit-ulit na kwento
Hinabi ng malikot na isip
Sumira sa ilang paborito

Ginayuma ng ?sang maestro
Binibining siyang pinapantasya
Ng isang kumag na may asawa,
Na galit na galit kay maestro,
Na bes pren ng binibining kabit
Sapagkat madatung si maestro

Dumami ang datung ng assistant
Sinamantala ang kabaitan
Ng maestrong umasa sa kanya;
Pagtanaw daw ng utang na loob
Kung kaya madalas ay yakagin
Sa labas kumain si maestro

Halos sumayad ang ulo niya,
Sa sahig ng planta; muntik na nga
Siyang magkabukol sa pagtango
Nang minsang madaan si maestro,
Bilang kanyang pagbati sa maestro,
Pag-alis, balik siya sa bisyo

Kaya galit sa kanya si Tangkad
Dahil pakitang-tao ang kumag
Magaling maglangis at magsumbong
Wala naman kasing kakayahan
E, ubod pa ng yabang ang kuto
Daig ang kanyang lakas ng loob

Galit si kumag at si kumag pa
Sa tulad ng isang rumarampa
Doon sa entablado ng atensyon
Ni maestrong ngayon lang natuto
Paano nga ay pinapaburan
Ngayon, o, itong lumang bagito

Hindi malaman kanyang gagawin
Hilong-talilong ?tong si kamote
?Kanino ba ako ay kakampi??
Du?n na lang kaya sa mga mahilig
Sa mga babae, alak, gud taym
?Pwede! Wala naman akong alam!?

Tahimik sa isang tabi
Ngingit dili, at nakikinig
Litong mabait, at nauuto
Ni ayaw ipakita ang galit
Kaya siya?y sinasamantala
Nitong mga taong walang kwenta

O, sila?y may tagapagtanggol
?Sang mutyang marilag sa sarili
Kaututang-dila ng makati
Ang imahinasyon, isang aso ?
Paano kasi?y ngingisi-ngisi
Masama pala ang iniisip

Daig kaya niya ang kamandag
Ng maitim pati na ang budhi
Walang sinasanto, lahat talo
Kanang kamay daw siya ng Diyos
Ng plantang ito ? ?sang pagawaang
Maraming kwento ? halina kayo!

Posted by bingskee at 9:47 PM
Updated: Saturday, 23 July 2005 4:53 PM
Thursday, 9 June 2005
Tulungan mo Ako
Topic: Ang Lipunan
Tulungan mo ako, isang batang nasa daan
Iniwan ng magulang, madumi at mabaho,
Walang makain, walang matirhan, at palaboy
Bakit kaya n’ya ako iniwan, kaibigan?

Tulungan mo ako, isang batang nalululong
Sa - ipinagbabawal na gamot – ang libangan
Ito ang aking natutunan, hindi letra
Hindi mga bilang mula sa ‘sang paaralan.

Tulungan mo ako, isang batang nagbebenta
Hindi lamang ng sampaguita, pati na sarili
Sa mga hayok sa laman, nagkalat sa daan
Sinasamantala ang aking murang katawan.

Tulungan mo ako, isang batang magnanakaw
Tanging paraan para mabuhay at tumagal
Sa kalupitan ng tadhana, ng mundo! Tao -
Wala akong alam, mangmang sa lahat ng bagay!

Tulungan mo ako, isang batang pumapatay
Karahasan ay kaibigan mula simula
Kasangga ang diyablo, katoto si kamatayan
Patay na ang buhay na katawan, nagdurusa.

Tulungan mo ako, isang batang nasiraan
Ng bait, ng muwang – palakad-lakad sa daan
Hindi kinaya ang hagupit sa kanyang buhay
Gutom, lutang, mahina, madumi – walang saysay.

Tulungan n’yo kami, mga batang nasa kalye
Nakikiamot ng kaunting pansin at tulong
Nagmamakaawa sa atensyon, sa pag-ibig
Sa kapwa – kami’y mga batang kaawa-awa.

TULONG!

Posted by bingskee at 11:01 PM
Monday, 16 May 2005
May Gusto Ka Ba sa Akin
Topic: Para sa Puso
(Tanong ng isang dalaga sa isang torpe)

Aba naman, ano ba yan
Titig ka ng titig dyan
Wala namang masabi
Ikaw ay napipipi

May gusto bang sabihin
Di naman makatingin
Iyan ba ay pag-iwas?
Gusto mo ba ng dahas?

Aba naman, ano ba yan
Parang may kalungkutan
Ayaw na 'kong pansinin
Puso ko'y nabibitin

Sana'y di nadismaya
Kalimutan ang kaba
At itanong mo na rin -
"May gusto ka ba sa akin?"

Huwag ka nang mahiya
Tanggapin ang biyaya
ng matamis na "Oo,
may gusto ako sa 'yo!"

Posted by bingskee at 11:01 PM
Wednesday, 4 May 2005
Tanaga Para kay G. David
Topic: Opismeyts
sa WIP ay nakilala
ang sabi ay si Aga
"Aga gising, aga laba?"
Sunny David, siya pala!

sa WIP ay nakilala
si bossing na abala
maraming opisina
Sunny David, siya pala!

sa WIP ay nakilala
‘sang boss na tila bula
e naglaho bigla
nakaalis na pala

sa WIP ay nakilala
ay, isang gwapong mama!
kami may naalala
blow-out mula sa kanya

Mula kay Bing, isang tanaga

uhaw mo ay matitighaw
Fundador nasa mesa
naalala ay ikaw
naku! b-day mo pala

Posted by bingskee at 11:01 PM
Tuesday, 19 April 2005
Magaling Daw
Topic: Samu't Sari
Si Kulasa, nakatungtong lang sa Amerika
Ang akala yata nakatungtong na sa ulap
Ang akala yata mga kababayan sa Pinas
Mga taong di nakakaintindi, at mga bobo!

Pinalad si Kulasa na mangibang-bayan
Ngayon e kumikita na ng mga dolyar, big taym!
Hayun at tuloy e sumobra hangin sa ulo,
Pati si Juan de la Cruz e kinalimutan.

Sa mga komentaryo makikilala mo siya
Si Kulasang mayabang, maangas, nagmamaganda
Feeling niya isa siya sa mga magagaling
Sa blogging; ang mga baguhan ay walang sinabi!

Konting paggalang naman, Kulasa, word of advice,
Kahit na sira ulo ay may sariling kwento
sa mundong ito, ‘lam mo, lahat ay patas tayo
Pagkamatay, uod lang ang katapat ng wang-kata mo.

O, hindi na kailangang sabihing magaling ka…
Sasabihin naman iyon ng mga nagbabasa
Intelektwal o hindi ay makikita pa rin
Baka nga ikaw pa ang hindi nakaintindi.

‘Wag init ulo, Kulasa, hinay-hinay lamang
baka mahulog ang peluka, mawala porma
at masabing taga-Pinas ka, sayang di ba?
Eto lang aking masasabi – Fish tayo!?? he he

Posted by bingskee at 11:01 PM
Tuesday, 5 April 2005
Dumi sa Mukha
Topic: Si Ako
Dumi sa mukha nakita
Sa itaas ng labi n’ya
Yun pala’y isa nang sugat
Dahil sa dagta ng mangga.

"Sugat, hindi ‘to kulangot!"
Sasabihin na sana niya
Sa mamang titig nang titig
Hindi dahil sa paghanga.

Dumi sa mukha napansin
Ng kasamang naghisterya,
"Ay, ano ba, ‘yan?"
Na kasama na ang arte.

Di inakalang ang sugat
Makakabawas din pala
Ng kumpiyansa sa sarili –
Gusto nang magtago t’wina.

Paano ay tumubo pa
Sa parteng bilad sa mata
Sana ay sa pu-wet na lang
Kahit saang tago sana!

Dumi, sugat at iba pa
Maliit man o malaki
Ang mapapansin kaagad
At hindi ang kabuuan…

Posted by bingskee at 11:01 PM
Wednesday, 16 March 2005
Daing ng Isang Anak
Topic: Pamilya
"Ma, tama na po!" pagmamakaawa ng isang anak
habang nakaluhod sa mga butil ng asin
sumusugat sa kanyang mga tuhod, sa kanyang puso
"Mahal ba ako ng Mama ko?" daing sa puso.

"Pak!" sampal na matunog sa murang pisngi
Dahil hindi tumigil sa paghikbi
Dahil gutom sumisigaw, humpak ang tiyan
"Bakit hindi ako pansin, ako’y gutom."

”Nangangatal sa takot, impit na pag-iyak
Galit na galit ang ina sa palakol na grado
Sampal kaliwa’t kanan muli sa murang pisngi
“Bakit ako ginaganito? Anim na taon pa lang ako.”

Dugong mapakla sa labi ng paslit
Isa lamang sa mga parusa ng malupit
Nadupilas sa lakas ng hampas
Di kaya kabal na ang murang katawan?

“Ayoko na po! Ayoko na po!”
Daing na tahimik ng lumuluhang bata
Sa tindi ng takot, hindi paggalang
Pilit na lamang tumitigil sa pag-iyak.

Hindi na yata natatandaan ang nakaraan
Ng inang malupit na dati’y isa ring paslit
Na higit na katampalasan ang ginawa
Sa ina niya at sa mga kapatid.

Hindi na yata natuto sa pait
Na dinanas mula sa kahirapan
Nais pa yatang ipatikim sa paslit
Ang mas matindi, ang mas malupit.

Daing ng anak mo, hindi mo ba naririnig
Hindi maisatinig dahil sa pangamba
Dahil sa kamay na bakal
Na minana sa asawang mong pusakal.

Ayaw mong makinig sa payo ng iba
Na ang anak ay minamahal, kinakalinga,
Inaaruga, pinayayabong, iniingatan
Ang pagmamaltrato ay iniiwan.

Bigkis ng pagmamahal, nasaan
Sigurado ba na ang pedestal
Na tinitingala, na sinasamba,
Nagmamalasakit nang tunay?

Maaga pa, sana’y huwag datnan
Ng takipsilim ang kalupitan
Na siyang magdudulot sa lahat
Ng lumbay, kapighatian.

Hindi ang ina ang dapat magbigay
Ng karahasan, ng di pag-unawa,
Hindi ang anak ang dapat umunawa
Sa mga kakulangan ng isang ina.

Posted by bingskee at 12:01 AM
Updated: Friday, 22 July 2005 9:08 PM
Salamat, Mr. Hilao
Topic: Opismeyts
SALAMAT…

Sa mga araw na ikaw ay nariyan
Kung kami ay may alalahanin
Sa mga oras ng kasayahan
Kahit na kami ay may suliranin.

SALAMAT…
Sa mga sandaling ikaw ay kahati
Sa lungkot at saya, ika’y kapiling
Sa mga sandali ng pagbubunyi
Ang iyong pagtawa’y mataginting.

SALAMAT…
Sa mga panahong tayo’y nagkasama
At ibinigay ang iyong kabutihan
Sa mga panahong nagpadama
Sa amin ng tunay na kagalakan.

Posted by bingskee at 12:01 AM
Alin ang Mas Mabigat
Topic: Para sa Kaluluwa
timbangin mo
grasyang sa yo
ibinigay

timbangin mo
pagsubok na
dumadaan

mas mabigat
ba, biyaya
o pagsubok?

mali ka kung
para sa’yo
ay pagsubok!

sa tuwina
tayong lahat
pinagpala

inihinga
n’ya sa atin
ang sa Kanya

Posted by bingskee at 12:01 AM

Newer | Latest | Older