Mood: chatty
Topic: Tagahalakhak
Kadalasan, ang makinig, magmasid at humalakhak ang nagpapagaan sa buhay… ***** Tiyuhin sa pamangkin nyang kinaiinisan. Isang pagkakataon na ngumangawa (labas ang ngala-ngala) ang peborit na pamangkin. Tiyuhin: O, bakit tawa ka ng tawa dyan! Pasok sa loob ng bahay! Dun ka tumawa nang tumawa! Pamangkin: Ngaaaaaaaaaaaaa! Friend ng tiyuhin: O, ngumangawa na naman ang pamangkin mo.. Tiyuhin: Original naman yan, pre, di pirated! Isang pagkakataon na umaakyat sa barandilya ng tindahan ang peborit na pamangkin. Tiyuhin: O, bumaba ka nga dyan! Mamaya mahulog ka at mabagok ang ulo mo, tapos kumalat ang utak mo. Buti kung me kakalat! BAGONG KASABIHAN Tambay 1: Sinuntok daw ng pamangkin ni Aling Rita si Padi. Sabog daw ang ilong. Tambay 2: Nanahimik kasi yung tao, kursunadahin ba naman. Tambay 3: Sa ulo kasi nilalagay ang ininom e! Itoy: Di nga ba me kasabihan “ Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising?” Tambay 3: Bakit bagong gising ba yung pamangkin ni Aling Rita? Itoy: Hindi. Eto nga, me bago nang kasabihan. “Magbiro ka na sa bagong gising, wag lang sa di pa lasing!”
Posted by bingskee
at 11:01 PM