LINKS
ARCHIVE
« March 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Tuesday, 1 March 2005
Ang Aking Guro
Mood:  flirty
Topic: Ang Aking si Danny
Hindi ko na matandaan kung kelan ako nag-transform. Parang mutant, ano? Sobra kasi akong tahimik noon. Wala masyadong imik, wala masyadong salita. Kahit nang maging magboypren kami ni Papsie, hindi pa rin naman ako ganung kagulo. Ikinasal kami ni Papsie noong 1989. Bago pa lang ako sa dati kong pinagtatrabahuan. Ilang buwan pa lang pagkatapos ng kasal, nagsimula na akong mag share ng green jokes. Heto ang unang-unang joke na ikinagulantang ng lahat sa kompanyang iyon. Mama: Miss, ang ganda naman ng buhok mo! Ale: Salamat! Mama: Ang ganda naman ng mukha mo! Ale: Salamat! Mama: Ang ganda naman ng balakang mo! Ale: Salamat! Mama: Ang ganda naman talaga ng boobs mo! Ale: Sa lamas.. Mula nga noon, wala nang inabangan ang mga tao kundi ang mga kwento ko na kadalasan nga e berde. Hindi naman berde ang dugo ko. (Mga bading nga lang pala yun.) Yan ay sa kagandahang loob ni Papsie. Sobra kasing maloko yun, magulo at mabiro. Kahit sino nga e kinakausap kahit na yung bagger at cashier ng SM. Bagger: Sir, pwede ko bang baliin yung bar ng sabon bago isilid sa bag. Papsie: OO naman, basta pag binali mo, bubula pa. Cashier: (Humahagikgik.) Ganun kanatural ang guro ko. Hindi nagpipilit. Gusto lang niya talagang maging masaya palagi ang mga nakakasalamuha niya. Maraming marami pang kwento tungkol sa guro ko. Nakakapagod na nga lang tumipa sa keyboard. Pero sa tingin ko, mas magaling na ang estudyante.

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink

View Latest Entries