Mood: caffeinated
Topic: Si Ako
Malabo ang mata ko. Kakainggit nga ang iba e, hanggang ngayon e 20/20 ang vision nila. Ako 500/550, nearsighted. Kaya nga nagdesisyon na akong mag-contact lens. Naku, kahirap pala magkabit ng lintyak na yan. Inabot nga kami ng doctor sa mata ng isang oras hanggang matutunan ko ang magkabit ng contacts. Parang gusto ko nang sumuko noon. Kaya lang bayad ko na. Sa una lang pala iyon. Ngayon, sisiw na lang sa akin ang magkabit at magtanggal. At heto ang rutina ko gabi’t araw: (sa gabi) itapon sa bintana ang disinfecting solution na natengga buong araw at palitan ng bago pagkatapos ay tatanggalin ang contacts at ibabad doon sa lalagyan na me disinfecting solution, (sa araw) kukunin ang contacts at kung me natatanaw na foreign objects babanlawan ng disinfecting solution bago ikabit. Ngayong umaga, nag-disintegrate yata ang memory traces ko. Pagkapaligo ay agad na umakyat ako. Kulang talaga ako sa tulog at kahit na nakapag-yoga na at nakapaligo na e tila tulala pa rin ako. Nang umupo na ako sa harap ng tokador at binuksan ko na ang lalagyan ng contact lens, nagulat ako na wala ang mga contact lens! ******ng ina! Saan na napunta ang mga iyon? Hanap sa sahig – wala! Hanap sa me tokador – wala! Hanap sa tuwalyang ginagamit kong placemat pag nagkakabit at baka dumikit doon – wala din! Paano nawala??? "Nakatulog ba ako na me contact lens? Hindi naman, e, tanda ko na tinanggal ko iyon! Oo, tama, tinanggal ko ‘yon!" Sinuot ko uli ang salamin at wala nga akong contact lens kung meron e tiyak malabo ang tingin ko pag isinuot ko ang salamin. "Saan napunta?" Nag-uumpisa na akong mataranta. Kapa, kapa. Kinapa ko ang mga pangyayari. Holi cow! Anak ng tipaklong! Ang nagawa kong rutina e ‘yong panggabi – tinapon ko ang disinfecting solution sa me bintana kasama ang contact lens! Anak ng tokwa! Dali-dali akong nagsuot ng shorts at tshirt. Sabi ni Papsie, "O, o, na***** yan, o!" Dali-dali akong pumunta sa tapat ng bintanang pinagtapunan ko – walang bahid ng solution – nasa may eaves pa ang mga contact lens! "Bakit?" tanong ni Papsie. Hindi ako makasagot. "Bakit ba?" Nabubulul-bulol akong nagpaliwanag. "Sus! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?" Kinuha ni Papsie ang magkakapatong na upuan at tumuntong ako roon. Naroon at nag-sa-sunbathing ang dalawang contact lens. Hindi ko na pinansin ang tawang nang-aasar ni Papsie. Nawala talaga ako sa sarili. Hindi ko maintindihan bakit nagkaganoon. Tanda na ba ito ng pagtanda? Omigad! Baka kung saan na lang ako damputin balang araw,a…