LINKS
ARCHIVE
« May 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Wednesday, 18 May 2005
ANG LAMAN NG PUSO AT ISIP
Mood:  sharp
Topic: Ang Lipunan

"Napansin po ba ninyo kung paano sumasaya ang paligid kapag naryan si Dan?" tanong ko kay Nanay. Matagal ko nang napapansin iyon. Si Danny, o ang aking si Papsie, ay likas na masayahin. Kahit sino ang makausap, tiyak tatawa. Hindi nga lang tatawa, hahalakhak pa. Isa siya sa mga taong may mahusay na sense of humor. Sabagay, hindi lamang siya ang ganyan. Kaya kapag may nakakasalamuha akong magaling ang sense of humor, nakakasundo ko, at naalala ko si Danny. Ang higit mong mapapansin ay kung paano siya magiging masayahin sa kalagayan niya (isa siyang biktima ng hypertension at paralisado ang kaliwang bahagi ng katawan).

Naniniwala ako na ang laman ng puso at isip ni Danny ay makapagbigay ng kasiyahan sa likod ng pagiging stroke victim. Ang lumalabas na mga salita, aktwasyon, pananaw, pangangatwiran, o opinyon sa isang tao ay ang laman ng puso at isipan niya. Hindi perpektong tao si Danny, may mga kahinaan siya pero mas higit na mapapansin ang talas ng isipan sa isang desisyon at kung paano hindi maaagrabyado ang isang tao. Magaling siyang makisama. Minsan nga ang nasabi ko, "Asawa lang ang hindi mo pinapahiram." Sa sobrang pakikisama lahat kasi ng humihiram ay pinagbibigyan. Bumalik nga ang turbo broiler na sira na.

Saan na nga ba tayo? Aaa, tungkol sa laman ng puso at isip. Kapag likas na mayabang ang isang tao, mapapansin mo ang hirap niya pagbaguhin. Kapag pinuna mo, magagalit pa sa iyo. Yun nga kasi ang laman ng puso at isip niya – na siya ay nakakahigit sa kaninuman. Ito pa ang isa – may mga babaeng kung umasta ay sila lang ang maganda o seksi – kasi nga ang isip nila superganda sila. Hindi lang naman ang panlabas na kaanyuan ang importante. May mga babae naman na hindi kagandahan pero ang ganda ng tingin mo dahil sa aura niya. At ito pa – ang dami kong nakakasalamuha na ang daling pumuna sa ibang tao pero hirap punahin ang sarili – kasi nga ang laman ng puso at isip ay pawang kasamaan laban sa iba. Handa silang sumira ng ibang tao sa pamamagitan ng kamandag ng bibig nila para lamang umangat.

Sa kabila ng lahat ng ito, siyempre, naryan ang mga taong mamahalin mo o hahangaan mo dahil sa angking tunay na kabaitan, prinsipyo at mga kapaki-pakinabang na paniniwala. Hindi nagpipilit ang mga ito. Kusang lumalabas ang kabutihan, ang tunay na laman ng kanilang puso at isipan.

Posted by bingskee at 10:01 PM
Updated: Saturday, 9 July 2005 9:40 PM
Post Comment | View Comments (3) | Permalink

Wednesday, 6 July 2005 - 9:29 PM

Name: these are my confessions

Wednesday, 6 July 2005 - 9:30 PM

Name: isabela

Hi Bing.Musta na?Ako'y naaawa sa mga taong mayabang. Tingin ko'y nang-aamot ng pagpansin at paghanga.Alam kasi nila ang kanilang mga kakulangan.
Ang mga taong may tunay na sense of humor , sa palagay ko, ay mga taong kayang pagtawanan ang sarili nila at hindi ang iba.May self-confidence, ika nga.
Ang mga totoong mababait, ay laging nagbibigay dahil siguro wala na silang kailangang patunayan sa sarili nila. Mahal nila kung ano man sila kaya marami nang lugar sa puso nila para sa iba.

Wednesday, 6 July 2005 - 9:31 PM

Name: bingskee

@thesearemyconfessions - ang hirap sa mga taong ganyan ay hindi mo na maaaring baguhin. mahalin mo ang mama mo dahil itinuturo niya ang landas na mabuti. be a good girl always!
@isabela - i am fine, salamat. nakakaawa talaga sila. mga nagpipilit. bakit hindi ko ma-access ang site nyo? meron nung 'this domain has expired'? bakit ganun?

View Latest Entries