LINKS
ARCHIVE
« July 2005 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Sunday, 10 July 2005
Dapat Ba Akong Magdiwang?
Mood:  chatty
Now Playing: banda ni Glen sa kalapit-bahay
Topic: Ang Aking si Kay

Noong malaman ko na may boypren na ang anak kong 14 taong gulang, napuno ako ng takot at pangamba. Nagalit din ako sa loob-loob ko. Tanong ko sa sarili ko, "Bakit noong ako ay kasing-edad niya, wala sa isip ko ang mag-boypren?"


Sadya yatang madaling maakit ang mga kabataang lalaki sa byuti ng anak ko. Meron nga yata yung tinatawag na ligawin. Masaya man ako na hinahangaan si Kay, nag-aalala naman ako para sa kanya:

*Baka masaktan lang siya.

*Baka lokohin lang siya.

*Baka masira ang pag-aaral niya.

*Baka mabuntis siya sa maagang edad.

Siyam na taon pa lamang si Kay noon ay meron nang nagregalo sa kanya ng malaking teddy bear, wala namang okasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nalilimutan ng lola ng batang iyon – botong-boto sa kanya. Pero ngayon, mas matangkad na si Kay sa kanya. Matapos nun, marami na ang mapapansin mo na aaligid-aligid. Isang araw nga, summer pagkatapos grumadweyt ni Kay sa elementarya, habang kami ay nagkakatipun-tipon sa labas, may lumapit sa hipag ko na isang gwapong bata. Ang tanong – "Saan po ba dito nakatira si Czarina Kay _________?" Kumpleto pa pati apelyido.

klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 2:11 PM
Updated: Sunday, 10 July 2005 7:40 PM
Post Comment | View Comments (2) | Permalink

Sunday, 17 July 2005 - 5:21 PM

Name: Isabela
Home Page: http://kablogstugangpinoy.com

Naku, parang ang hirap naman ng ganyan, Bing. Hindi mo alam kung paano iha-handle. Kasi minsan, ang reaksyon ng mga bata ay rebelde.Di bale close ka naman kay Kay sa tingin ko.Minsan kasi, nakakalimutan na rin natin 'yung mga karanasan natin nung kabataan natin.
p.s. Na-tag nga pala kita sa latest entry ko.

Sunday, 17 July 2005 - 8:28 PM

Name: bingskee

kahirap talaga, bel. pero ganyan talaga ang magulang. pinipilit unawain minsan ang hindi kauna-unawa ha ha

noong ako ay kasing-edad niya, ibang-iba ako sa kanya, bel. kahit na mas matalino ako ha ha

View Latest Entries