Mood: not sure
Now Playing: Billy Jean
Topic: Si Ako
Naman. Talagang naroon na sila sa aking tuktok. Akala ko repleksyon lang ng ilaw. Mga puting buhok pala. Palagay ko, hindi lamang sila dalawa, baka me mga kabarkada pa. Ilang araw na rin silang nagpapakita - ang dalawang puting buhok. Sila pa lamang ang naglakas ng loob magpakita. Malay ko ba naman kung nagtatago sa ilalim ang iba. Nag-aalala na baka ako ay atakihin pag nakita kong isang lupon na pala sila?
E, ano ba naman ang problema? Ano naman ang problema kung lahat sila ay maging puti na? Sign of old age? Asus, meron nga dyan beynte anyos pa lamang, mas marami na ang puting buhok. Nasa lahi DAW kasi. Yung iba nga, carry ang puting buhok. Uso na kasi ang highlights ngayon. Para lamang silang ganun – highlights sa buhok. E, pa’no pag dumami na? ‘Yung itim na ang highlights ngayon.
Ang kulay ng buhok, ayon sa mga eksperto, ay dahil sa melanin na bunga ng melanocytes at keratinocytes. Ang una ay isang skin cell na responsible sa paggawa ng itim o matingkad na brown na kulay, at ang huli naman ang siyang responsible sa kabuuan ng buhok. Bakit iba-iba ang kulay ng buhok, tiyak tatanungin mo. Ang itim o matingkad na brown na kulay ay nagtataglay ng totoong melanin na matatagpuan sa ating balat. Ang blond at pulang buhok naman ay nagtataglay ng melanin na may halong sulfur at iron. Ang buhok ay nagiging gray kung luma o matanda na ang melanocytes at wala na ito ng kinakailangang protina para makagawa ng melanin. Ang puting buhok naman ay nag-a-appear kung ang mga air bubbles ay sumama sa tumutubong buhok.
Meron pang bonus ito. Ang maagang pagputi ng buhok ay masasabi ring dahil sa sobrang pag-aalala, sobrang pagkagulat, sakit o kakulangan, at sa ibang kaso, lahi.
Kasama sa buhay ang pagtanda, pagkaluma, pagkalaos. Kasama nitong nawawala ang kinang at ganda ng kahit na anong parte ng katawan. Ang mahalaga, pumuti ang buhok natin dahil tayo ay may pinagkatandaan. Pumuti man ang buhok, tayo ay naging tayo – isang nilalang na ginamit ang katawan (?) kasama na ang lakas, talino at kakayahan para maging isang kapaki-pakinabang na Filipino.