Mood: crushed out
Now Playing: Mountain Dew ads
Topic: Si Ako
Noong nakaraang Sabado, may isang pagdiriwang na aking pinuntahan kasama ng ilang kaibigan. Hindi na sana ako pupunta kaya lang palagi kong natatandaan ang sinasabi ni Papsie na pag may nag-imbita, puntahan kahit sumaglit lamang. Yun sana ang balak ko, ang sumaglit lamang, kaso mo nakakita ako ng videoke at Fundador he he at ang balak na umuwi ng 1:30 pm ay naging 3:30 pm.
Gustung-gusto ko ang umawit. Pumili ako ng aking aawitin – Power of Two ni Aiza Seguerra. Pero hindi ko ito naawit nang maayos, nahiya ang boses ko, nawala pa yata sa tono. Alam ko namang awitin iyon kaya lang nadaig ako ng hiya. Marahil hindi kasi ako sanay umawit nang hindi sa bahay o lugar namin, at hindi ko mga kapamilya o malalapit talagang kaibigan ang naroon. Hangang-hanga nga ako kay S at kay O sa bravado nila sa pag-awit. Pero hindi ako naiinggit. Kanya kanyang talento ang bawat tao, di ba.
Umawit na rin ako nang ipasa sa akin ang mike ni L. Kaunting pagkakataon iyon at medyo limot ko na ang hiya, marahil dahil sa Fundador.
Hindi ko mawari kung saan naman humuhugot ng lakas ng loob si D sa pag-awit kasi kahit ano ang gawin, wala sa tono, palpak ang rendition, at mali-mali ang lyrics na binabasa na nga! Lalo tuloy akong pinanghinaan ng loob sa kanya.
Kanya kanyang tapang talaga. Palagay ko wala dito ang tapang ko, at buti alam ko ito.