LINKS
ARCHIVE
« April 2005 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Wednesday, 6 April 2005
Late Bloomer
Mood:  irritated
Topic: Opismeyts
Sa pinapasukan kong kompanya ay may isang bosing na nasa 70 anyos na yata (o baka mahigit pa). Suma total, para ko na siyang tatay. Kung buhay si Papa, kasing edad niya. Gustuhin ko mang ituring na parang tatay e hindi ko magawa. Paano naman ay mahilig pa ring magpa-charming (kahit wala nang K) ang matandang ito at magpahaging ng kung anu-anong salita. Palagi akong napapansin (na ikinaiirita ko na) kahit ano ang ayos ko at kung ano ang suot ko kahit anong oras. Madalas ay umiiwas ako at kung marinig ko na ang boses tiyak ay nagtatatakbo akong paakyat sa room ko. (Delikado pa ito at baka magkandasabit-sabit ang paa ko at mahulog sa hagdan pero quesehoda, kelangang makalayo agad!) Ngayong araw na ito e medyo maiksi ang palda ko as in above the knee. Kamalas ko nga lang at nasalubong ko sa pathway at wala nang pagkakataon na umiwas. "Oh, it’s you, Bing!" (Inglisero si tanda.) Pilit na ngiti at paiwas na paglakad pero nilapitan pa rin ako sabay haplos sa balikat. Mabilis ang lakad ko at sumusunod ang matanda. "You always seem not to recognize me at once!" kaswal na sagot ko. "Oh, it is because you always have something new! Now, you are in mini skirt. How could I not notice?" Sige pa rin ang lakad ko at aakyat na sana ako kaya lang masisilipan ako ng manyakis kaya dumiretso ako palabas pero nakasunod pa rin. "Materiales fuertes!" sabi ni tanda. Iiling-iling ako na pumunta sa canteen kahit wala naman akong balak pumunta doon. Hay, naku! Kung bakit kasi palagi akong napapansin ng matandang iyon. Hindi na lang tumingin hanggang gusto niya. Wala na sanang haplos sa balikat at talkies. Hindi ko man mabastos e halos murahin ko na siya nang tahimik. Naaawa rin talaga ako kasi palagi kong naaalala ang Papa ko pag nakakakita ako ng matandang katulad niya. Sabi kasi nila, noong bata-bata pa raw iyon e limitado ang kilos at hindi masyadong nakiki-pag-usap at lumalapit sa mga babae. Takot ata kay kumander. Pero ngayon, kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi. Late bloomer talaga si sir! Pauwi na siya ng alas kwatro at natanaw na naman niya ako na nakaupo sa room ng sekretarya (salamin kasi ang side walling ng kwarto). Buong akala ko e nakalagpas na at dumiretso na pauwi. Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto sabay sabing "Legs galore!" Halakhakan kaming tatlo nina Cathy at Mo. Mantakin mo nga naman ang pagkakataon, no? Iwas ka ng iwas, lapit naman ng lapit.

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | Permalink
Monday, 4 April 2005
Amoy Beybi
Mood:  amorous
Topic: Ang Aking si Danny
16 na taon na kami ni Papsie noong Abril 2, 2005. Tagal na, 'no? 'Ika nga ng isang blogger, 'di ka pa ba nagsasawa?' Ano ba ang dapat pagsawaan? Iyon bang halos araw-araw niyang pagsabi ng 'I love you'? Iyon bang halik niya bago ako matulog? Kasama na ang mga yakap at mga pilyong bulong? Pagsasawaan ko ba ang mga malalanding haplos? Pati na ang dahan-dahang pagdampi ng labi (kasama na ang dila) sa tenga? Dapat ko bang pagsawaan ang mga masasarap na luto? Lalo na ang pansit? Pagsasawaan ko ba ang intensyon niyang huwag akong malipasan ng gutom? klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | View Comments (2) | Permalink
Sunday, 3 April 2005
AYAW NIYA RAW
Mood:  cool
Topic: Ang Aking si Daryl
Si Daryl ang isa sa mga batang sobrang matatakutin. Buti nga nabawasan na. Noong maliit pa siya, madalas napupuyat ako kapag nakakapanood siya ng nakakatakot, o di kaya’y nakapakinig ng kuwentong kababalaghan. Sobra kasi ang lakas ng imahinasyon niya. Hanggang ngayong 12 taong gulang na siya, may mga pagkakataon pa rin na nauunahan siya ng pag-aalala o takot. Noon ngang Sabado de Gloria e bigla naming naisip na sumama sa swimming nina Kuya Pen. Masaya si Kay at si Daryl pero nang malaman ni Daryl na dagat ang pupuntahan nawala ang excitement niya. Paano nga ay kakatapos lang ng mga balita ng aksidente sa dagat gaya ng tsunami. Ganun din yan noong madalas ang mga balita tungkol sa mga bumagbagsak na eroplano. Hindi na lang daw siya pupunta sa ibang bansa. Ayaw na raw niya maging environmental scientist kasi wala sa Pilipinas noon pero kung pupunta pa sa ibang bayan e wag na raw kasi baka bumagsak ang eroplano. Tsk tsk nakakapag-iling ng ulo, di ba? klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | Permalink
Friday, 1 April 2005
Mga Kahanga-hangang Lalaki sa Mundong Ibabaw
Mood:  amorous
Topic: Ang Lipunan
1. Hindi lumilipas ang araw na hindi pinadadama na lab ka nya, o hindi sinasabi ang ay lab yu.
2. Marunong magluto (nang masarap.)
3. Kayang magpaligaya. (plastik ka kung di kasama to)
4. May kahanga-hangang sense of humor (in short, mahilig sa komedya)
5. Responsibleng asawa at ama, o kahit partner na lang.
6. Humahanga sa magaganda, hindi sa pogi.
7. Malinis sa katawan, hindi matutulog na hindi amoy beybi.
8. Alam lumugar, alam ang limitasyon, alam ang kakayahan.
9. Hindi seloso, pero nagseselos kung kelangan.
10.Hindi madaldal kaysa sa babae.
11.Maaasahan sa malalaking desisyon, sandalan (hindi unan).
12.Bukas ang kaisipan (naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid).
13.Matalino kahit hindi palabasa ng libro.
14.Hindi itinuturing ang babae na mas mababa ang kaalaman o kakayahan.
15.Magalang sa lahat ng tao sa lahat ng oras.

Alam ko namang me kanya-kanya tayong teyst, mga gerls, pero para sa ken yan ang tipo kung lalaki, - maginoo kahit medyo bastos!


Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink
MALASADO
Mood:  happy
Topic: Tagahalakhak
Ngayong umaga ay nagawi ako sa room ni Bert at nadatnan ko si Mila doon. Panay ang usap namin tungkol sa mga sitwasyon sa kompanya at tungkol sa ilang mga obserbasyon. Bigla ay nagsabi si Bert na…

Bert: Hanapan mo nga ako ng aggressive, Bing. (Si Bert po FYI ay isa nang balo.)

Tawanan kami at sabi ko me kilala ako pero 23 anyos pa lang.

Bert: Ayoko naman ng ganyang edad, gusto ko naman mas matanda sa panganay ko! Mga 40, para me parent image.
Mila: Naku, baka naga-dry na yun, menopausal stage na yun.
Bert: Buti nga yun di na manganganak.
Bing: Dapat yung nag-se-self lubricate pa rin.
Bert: O, Omeng, nakikinig ka ba, dapat yun kunin mo yung me kakayahan pa raw na mag-self lubricate. Pero palagi namang lubricated yang si Omeng at si Rafi,e.
Bing: Sabi nga ni Mang Rafi natatandaan ko – ‘Ma’m, mahirap din naman kasi pag panay adobo.’
Mila: Ganun? E, di gawing apritada. Pwede naman, yun, a, dapat sabihin nila sa asawa nila, apritada naman, sweetheart.
Bert: Hindi, maganda nga dyan, e, malasado.
Bing at Mila: Malasado???

Takang-taka kami ni Mila sa tinuran ni Bert na malasado. Naging diskusyon naming dalawa kung ano ang ibig sabihin sabihin ng sinabi ni Bert. Ayaw naman niyang ipaliwanag kahit pinipilit naming para nga naman ma-apply naming yung malasado style. Para kay Mila, e may kinalaman ang edad at sex style. Iba naman ang nakikita kong ibig sabihin ni Bert. Para sa akin kasi ‘negative’ ang dating ng malasado. Kulang, me kahinaan, walang eksperyens, nobatos.

Bert: Yun, tama ka dun, Bing. Mas maganda ang ‘novice’. Yung tuturuan mo pa lang. Para me challenge.
Mila: Ganun, ba? Sus, e di mega-pretend ka na lang.
Bing: Kunwari, inosente ka Mila! (Tawa to the max.)
Mila: A, ganito. ‘Ay, ano yan, love, di ko alam yan, e.’ (Humahagikgik.)
Bing: Sigurado babatukan ka ng asawa mo. Magtataka at mag-iisip kung ano ang nangyayari sa yo!(Tawa to the max.)
Mila: Tapos habang nag-do-do kayo – ‘Aray!… pala!’
Bing: (Tawa to the max.) Me pala pa, ha!
Mila: ‘Aray, me suot kang singsing, e!’
Bert: ‘Hindi yan singsing, relo yan!’

Tawanan na naman at maluha luha pa.

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink
Monday, 28 March 2005
ANG PAGGUHIT NI KAY
Mood:  special
Topic: Ang Aking si Kay
Mahilig si Kay gumuhit. Magaling talaga ang kamay. Kahit na sarili niya kaya niyang iguhit. Sabi nga ni Zen noon, malalaman mo na magaling gumuhit ang isang tao kung maiguguhit niya ng maayos ang mga kamay at ang mga paa. Naisip ko noon na magaling nga ang anak ko. Maliit pa lang si Kay, alam ko na ang talentong ito ay hindi na mawawala. Dahil mahilig din akong gumuhit, palagi ko siyang ini-encourage. Ang mga bata naman, lalong pinupuri, lalong ginaganahan. Talagang kapansin-pansin sa kanya ang galing na gumuhit. Kitang-kita mo ang interes habang gumuguhit ako para sa mga proyekto sa iskul. Makikita mo na lang siya sa isang tabi na panay ang iskribol, tahimik na pini-perfect ang sariling drowing. klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink
Sunday, 27 March 2005
Mga Kamuhi-muhing Lalaki sa Mundong Ibabaw
Mood:  irritated
Topic: Ang Lipunan
Etong nakaraan na bakasyon (dahil Mahal na Araw), di ko naiwasang mapagtuunan ng pansin ang mga kamuhi-muhing lalaki sa mundong ibabaw. Opkors naman, dapat yung mga fafable na lang ang pinansin ko kaya lang pinili ko na isulat ang listahang ito para na rin magkaroon ng ideya ang mga lalaki bakit sila nagiging kamuhi-muhi. Eto ay para sa mga may-asawa, sa mga mag-aasawa pa lang at sa mga binata na rin: 1. Ang gaan ng kamay mo manakit nang ganun na lamang sa lab ob yur layp tapos mamaya sasabihin mo ang ‘I love you!’ 2. Pagdating ng misis mo sa bahay siya pa ang magluluto, maglilinis at mag-aasikaso sa mga anak e samantalang unemployed ka (dapat ka nang itapon, in short!) 3. Porke ikaw ang nagtatrabaho, dapat para kang haring pinagsisilbihan e hindi naman siya alila, siya ay asawa mo. 4. Sinabihan mo ang misis mo na di mo na siya mahal dahil nakatikim ka lang ng ibang putahe – sobra namang pagwawala yan! 5. Kuwento ka nang kuwento na pinikot ka lang ng misis mo e lima na ang anak nyo. 6. Pinili mo pa ang magsugal, habang humihingi ng ulam ang anak mo sa biyenan mo dahil wala kayong ulam. 7. Nakukuha mo pa ang magyabang na diskarte mo ang lahat e dapat magpasalamat ka sa mga taong tumulong sa iyo at sa pamilya mo. 8. Reding-redi ka magbigay ng butaw para sa toma e hayun panay ang litanya ng misis mo na ‘Wala nga akong kapera-pera!" 9. Para kang babae na putak ng putak sa kakapintas sa ibang tao e wala kang kamalay-malay na lihim kang pinagtatawanan ng mga kausap o kainuman mo. 10. Panay ang titig mo sa magandang babae e nariyan ang misis mo na hurt to the bones dahil parang me rugby ang mata mo sa kakatitig. 11. Galit ka sa mga mag-sing-irog na sobra ang sweet at panay ang holding hands e samantalang ikaw yung teksas na lang ang hinihimas mo, o yung baraha, o yung pitsa ng mah jong. 12. Wala kang galang sa mga babae at di mo mapigil ang humanga at magsalita (buti kung sinasarili na lang) kahit na sa harapan ng asawa niya – me lahi ba kayong maniac? 13. Lahat na lang ng babae pinapatos mo, pati ba naman yung nanay ng dalagang kapitbahay nyo? 14. Galit ka sa misis mo dahil kahit nasa bahay nag-aayos (ayaw lang namang malosyang), yun naman pala ayaw mo na mas maganda siya sa yo! 15. Ayaw mong makinig sa katwiran at gusto mo ikaw lang ang pakinggan e mas madalas namang wala ka sa hulog! Marami pa sigurong puwedeng idagdag sa listahang ito. Pero yan na lang muna. Meron na sigurong napiktyur na ideya ang sinumang lalaking makakabasa nito.

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink
Monday, 21 March 2005
PAGBIBIGAY
Mood:  irritated
Gusto mo bigyan ka na lang nang bigyan. Hindi isang beses, hindi dalawa, hindi tatlo. Gusto mo bigyan ka na lang nang bigyan. Kelan ka naman magbibigay? Ano naman ang ginagawa mo para sa mga taong nagbibigay? Paano kung nagsawa na ang nagbigay pagkatapos ng mahabang panahon? Masama na siyang tao? Balewala na ang mga ibinigay niya sa ‘yo dahil hindi na siya makapagbigay dahil sa ilang kadahilanan? Gusto mo bigyan ka na lang nang bigyan. Kahit wala nang matira sa nagbibigay. Wala ka namang pakialam kung may natira pa sa kanya. Basta ang mahalaga magbigay siya sa ‘yo. Para bang may panghabambuhay na obligasyon sa ‘yo. Gusto mo bigyan ka na lang nang bigyan. Maramot na ang tawag mo kapag hindi ka nabigyan. Kapag mayroon ka namang sobra, hindi ka naman makaalalang magbigay kahit kaunti at bukod pa doon, pinipili mo pa ang binibigyan. Yung type mo lang. Yung kasalukuyang pinakikinabangan mo lang. At ang sasabihin mo, ngayon nga lamang ako nakatikim nito. Pero dapat ang natitikman ng iba, matikman mo rin. Kung maramot ang ibinabato mong pang-uri, hindi kaya ang sa ‘yo e sakim? Gusto mo bigyan ka na lang nang bigyan. Walang katapusang pagbibigay. Kahit simpleng thank you hindi mo nga maibigay agad o di kaya naman, pilit pa ang pagpapasalamat. Parang ayaw mo pang sabihin. Sabi nga ng isang kasabihan, "Ang sa akin ay sa akin. At ang sa ‘yo ay sa akin pa rin." Eto kaya ang panuntunan mo sa buhay?

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink
Sunday, 20 March 2005
NAKAKALUNGKOT DIN PALA
Mood:  sad
Topic: Ang Aking si Kay
Taun-taon, mula nang mag-aral sila Kay at Daryl, umaakyat kami sa stage ni Papsie para sa magsabit ng mga medalya at ribbon sa aming mga anak. Kadalasan kasi tatlong estudyante lamang ang kinikilala sa mga pribadong eskuwelahang pinapasukan nina Kay at Daryl.

Pinag-usapan na namin ni Papsie ito na ihanda rin ang aming mga sarili sa mga hindi inkiaasahang pangyayari gaya ng posibleng hindi pagkakasama nila sa kikilalanin sa Recognition Day. Hindi kami dapat mag-react violently. At dumating nga ang pagkakataong ito.

klik mo dine para sa buong kwento

Posted by bingskee at 11:01 PM
Updated: Sunday, 3 July 2005 9:22 PM
Post Comment | Permalink
BAKIT GALIT SA MGA ABU SAYYAF
Mood:  mischievious
Topic: Tagahalakhak
Kahapon ay nasa Calumpit, Bulacan kami ni Papsie kasama ang ilan sa mga barkada niya. Kasama rin si Kuya Ed. Okey pala pumunta kina Pareng Lito! Aba, 11 putahe ang aming nilantakan. Grabe sa sarap ang lechon at hanep sa ngala ngala ang kare kare (salamat kay Pareng Roger). Mga pasado alas dos y media na nang magsimula ang inuman. Hindi Fundador ang inihatag pero brandy din – Tres Cepas, at beer para sa iba. Pwede na rin. Hindi naman ako nalasing kasi malayo ang lugar at kelangang alalayan si Papsie. Wala ring kontrol yun pag wala ako (tagabantay pa tuloy ako). Pero nalasing ang isa sa kasama namin. Ang mga sumusunod ang naulinigan ko (at hinalakhakan ko nang todo) sa loob ng FX na aming sinasakyan pauwi. Makulit na lasing: Alam mo, mga bubu yang mga Abu Sayyaf na yan. Bakit kamo?? Malumanay na lasing: E, wala na tayong magagawa dyan, ginagawa nila yun dahil sa prinsipyo. Makulit na lasing: Anong prinsipyo?? Malumanay na lasing: E, di ang pumatay! Makulit na lasing: Hinde, pare, galit talaga ako sa mga Abu Sayyaf na yan! Ang bububu! Bakit kamu?? Eto nga, dinadamay pala nila ang mga inusinti! Dapat ang pinapatay nila yung mayayaman! Malumanay na lasing: Ano naman kinalaman ng mga mayayaman? ‘lam mo, pare, yang mga mayayaman na yan, mga negosyante yan. Me mga kapital yan. Tayong mahihirap me kapital din – tawag dun kapit sa patalim. Makulit na lasing: Kaya nga pare, ang bububu ng mga Abu Sayyaf! Dapat ang pinapatay nila mga mayayaman! Malumanay na lasing: Bakit kamo mahihirap ang napapatay? Makulit na lasing: Bakit?? Malumanay na lasing: E pano me pantubos yung mga mayayaman kaya di napapatay! Ako rin naman, e, galit sa mga Abu Sayyaf... Makulit na lasing: Bakit??? Malumanay na lasing: E, MILF ako, e. ‘tang-inang mga yan, kaagaw pa namin! Kinabagan yata ako sa katatawa. Ang makulit na lasing ay hindi naubusan ng istorya hanggang makarating kami sa kanto ng Kaingin Road. Pati drayber ay pinagtri-tripan. Pero humihingi naman ng paumanhin paminsan-minsan. Higit akong tumawa sa malumanay na lasing na kasama namin. Seryosong hindi naman pala seryoso. Me kanya-kanya talagang talento ang bawat nilalang.

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink

Newer | Latest | Older