Mood: cheeky
Topic: Sa Canteen ni AlingThelma
Matagal-tagal na ring hindi nagkakatuwaan sa canteen. Paano naman e sobrang init ng panahon at madalas mas gusto ko na lamang magmeryenda sa kwarto ko dahil sa airconditioned ito.
Bert: O, Jun, nalaman na ba ni ABCD kung ano ang ibig sabihin ng linis tubo.
Jun: (tumatawa) Hindi, boss.
Mila: Linis-tubo? Ano yun?
Bing: (tumatawa kasi alam ang ibig sabihin ng linis tubo) Bakit?
Jun: Hindi pala alam ni ABCD na biyenan ko si Abundant. Nagkita kasi kami doon. Dinala pala siya ni FMT doon kasi me maganda nga raw dun.
Bing: Type yata ni ABCD at ni FMT yung hipag mo, yung maganda dun.
Jun: Yung hipag ko nga.
Bing: Si FMT talaga! Me asawa na yung tao, e. Ang dami naman diyang walang asawa na game. E, ano yung linis tubong kwento?
Jun: Tinanong daw kasi ni ABCD si Abundant kung bakit name-maintain niya ang magandang pangangatawan. (Si Abundant kasi ay isang balo na me edad na.) Ang sabi daw ni Abundant, ang sikreto daw niya ay linis tubo.
(Humahagalpak sa tawa si Bing at si Bert.)
Bert: Kala ko pa naman, sinabi mo na kung ano ang ibig sabihin.
Jun: Hindi pa, Boss. E, paano kung sa inyong mga babae tanungin?
Bert: Sabi ko nga, e si Omeng expert diyan. Sinabihan ko nga siya na baka magtanong si ABCD sa kanya.
Bing: Ano ang sabi ni Omeng?
Bert: Tumatawa lang.
Jun: E, paano nga, Bing, kung sa inyo tanungin?
Bing: E, di, sasabihin ko, ano sa ingles ang “linis”? E, di ba clean? Ano naman ang “tubo,” di ba tube? Clean tube!
(Tawanan ang lahat. Maya-maya pa ay umalis na si Jun at ang pumalit ay si Rey. Matapos ang marami pang kwento, nauwi ulit sa linis tubo ang kwentuhan.)
Mila: Kay Rey magtatanong yan!
Rey: Ano yun?
Bert: Ano raw yung linis tubo, tanong ni ABCD?
Rey: Patay tayo dyan!
Bing: Me kakayahan pa ba naman yang si ABCD? Kahit anong linis tubo pa yan!
Rey: Tapos habang nililinis tubo, lumabas ang almoranas, o!
Bing: Yuck! My gosh, kadiri talaga!
(Tawanang umaatikabo.)
Bing: May naalala nga akong kwento ng isang kumpare ni Dan. Pumunta sila sa isang beerhaws. Siempre nalasing sila at nagpunta pa rin sa VIP room. E, nagkataong umakyat na ako noon at sila ay nag-iinuman pa rin. “____-ina, p’re! Sabi noong babae habang naglilinis tubo, - ano ba yan ayaw magalit! -” sabi ng kumpare nya.
Bert: Sobra sigurong lasing.
Bing: Sabi nga nila, wala na raw talaga pag lasing. Parang manhid ang katawan kaya walang reaksiyon.
Mila: Ahhhh, akala ko pa naman ang linis tubo e masturbation!
Bert: Pwedeng kasama na rin iyon.
Bing: Hindi ang alam ko BJ yun e!
Bert: Hindi, yung isa dry clean, at yung isa naman, me tubig!
(Tawanan uli.)
Posted by bingskee
at 10:01 PM