« May 2004 »
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
Ang Lipunan
Kaibigan
Opismeyts
Pamilya
Para sa Kaluluwa
Para sa Puso
Samu't Sari
Si Ako
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
Tula-tulaan
Monday, 3 May 2004
Tumigil ang Mundo
Topic: Kaibigan
(isang tula ng isang kaibigan)

Nang dumating ka na hindi inaasahan
Para bang tumigil ang mundo
Tumigil ang lahat ng nasa paligid
Ikaw lang ang naririnig

Nang marinig ang boses mo
Hindi inakalang titigil ang mundo
Makikinig sa ‘yo, buung-buo
Ikaw lang ang nagiging dahilan

Nang maging dahilan sa akin
Ang buong ikaw, kahit di lubos
Tumigil ang mundong ginagalawan
Ikaw na lang ang hinihintay

Nang maghintay nang maghintay
Ang isang hangal na katulad ko
Walang kapaguran ang pag-asa
Ngunit hindi naman totoo

Nang mapagtantong hindi totoo
Gumalaw muli ang mundo
Tapos na ang kahangalan
Ang kahinaan at ang kabaliwan…

Posted by bingskee at 11:01 PM

View Latest Entries