« February 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
Ang Lipunan
Kaibigan
Opismeyts
Pamilya
Para sa Kaluluwa
Para sa Puso
Samu't Sari
Si Ako
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
Tula-tulaan
Monday, 21 February 2005
Nakalimutang Magpasalamat Pero Naalala
Topic: Kaibigan
(Para kay Batjay)

Sa pagtalon-talon
Sa mga blogs sa i-net
Nagawi sa blog nya
Kabilang pala siya
Sa blog ni Ka Rolly

Kwentong tambay nga ba?
Kala ko walang wenta
Kabaligtaran
Pala, pahiya pa
Ayun! Humanga na

Salamat nang many
Pagpapaunlak mo
It’s an honor to me!
Nalimutan nga ang“TY”
pero naalala

Better late than never, di ba?

Posted by bingskee at 12:01 AM
Sunday, 20 February 2005
Kumusta na Ako
Topic: Si Ako
Kumusta na ako?
Heto… nakangisi
Habang nababato
Walang mabusisi.

Sabado na naman
Wala na bang pera?
Gabi ay nagdaan
Sa gastos tulala..!

Kumusta na ako?
Heto… ay, masaya
Kasi ang daughter ko
JS prom, tapos na.

Sabado na kasi
Oras ko’y pahinga
Mamaya na’y bisi
Lagi nang rutina.

Narito si kumag
Ay, boypren siya kasi
Ako’y nababagabag
Ganda ni daughter e!

Kumusta na, haler?
Nadadala sa series
Ng Imbestigador
Wag ingay, kainis…

Malapit na, hayan…
Eto na ang gabi
Puyatan na naman
Musta, lovey-dovey…?

Posted by bingskee at 12:01 AM
Monday, 3 May 2004
Tumigil ang Mundo
Topic: Kaibigan
(isang tula ng isang kaibigan)

Nang dumating ka na hindi inaasahan
Para bang tumigil ang mundo
Tumigil ang lahat ng nasa paligid
Ikaw lang ang naririnig

Nang marinig ang boses mo
Hindi inakalang titigil ang mundo
Makikinig sa ‘yo, buung-buo
Ikaw lang ang nagiging dahilan

Nang maging dahilan sa akin
Ang buong ikaw, kahit di lubos
Tumigil ang mundong ginagalawan
Ikaw na lang ang hinihintay

Nang maghintay nang maghintay
Ang isang hangal na katulad ko
Walang kapaguran ang pag-asa
Ngunit hindi naman totoo

Nang mapagtantong hindi totoo
Gumalaw muli ang mundo
Tapos na ang kahangalan
Ang kahinaan at ang kabaliwan…

Posted by bingskee at 11:01 PM

Newer | Latest | Older