LINKS
ARCHIVE
« July 2005 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Thursday, 7 July 2005
PWEDE NA KAYONG SUMILIP
Mood:  energetic
Now Playing: huni ng lektrik fan
Topic: Mahahalagang Bagay
MABUHAY!

Ngayon ang opisyal na pagbubukas ng bagong lokasyon ng Sa Aming Wika. Inagurasyon kung baga. Kasalukuyan ko pa rin itong pinag-eeksperimentuhan at pinagkakaabalahan. Ito rin ang dahilan ng mga tampo ni Papsie minsan. Napupuyat kasi ako sa paglipat ng aking mga obra dito. At sa pag-aayos na rin. Well, ewan ko kung maayos na nga.

Sa totoo, nahiya ako kay Jaleesa. Nagreklamo kasi ang bru. Hindi raw niya mabasa. Sabi ko sa sarili ko, subukan ko nga ang tripod. Libre naman, e! he he.

Kung meron kayong komento para sa ikagaganda, sabihin nyo lang. Oks lang sa akin. 'Wag nyo lang sasabihing fanget ang piksyur sa panel board at lagot kayo kay Papsie!.

O, ano mga 'igan. Sana ay huwag kayong mahiyang mag-iwan ng bakas. At wag ding magtatampo kung matuklasan na wala pa ang pangalan nyo sa kaliwang panel board. Kasalukuyan pa rin kasing nag-u-update..



Posted by bingskee at 10:29 PM
Updated: Saturday, 9 July 2005 7:56 PM
Post Comment | View Comments (17) | Permalink

Friday, 8 July 2005 - 1:01 AM

Name: Teacher Sol
Home Page: http://www.teachersol.blogspot.com

Ganda dito ah! At home ako. Babalik ako para magbasa ng entries mo. Pupunta lang ako sa dentista, di ko na kaya ang sakit ng ngipin ko, arrgh! Nag-iwan lang ako ng bakas na napadaan ako dito. Di ko alam na may pagka-makata ka rin pala, hehe.

Friday, 8 July 2005 - 4:28 AM

Name: Isabela
Home Page: http://kablogstugangpinoy

congratulations! I love the color (old rose, no?)Meron ngang kapareho 'yung dati, tuwing pupuntahan ko,nagugulat ako kasi akala ko napunta ako sa samingwika. Nakakatuwa ang mga layout ng blog, kasi,parang bahay. Malalaman mo ang personality sa choice ng kulay at design. Si Jaleesa ba si thesearemyconfessions? Kulay orange yata yung bahay niya if I remember? Orange? masakit din kaya sa ulo 'yon hehe (sorry Jaleesa - mahadera talaga)
O kailan ang blessing? Hindi ka man lang nagpa-almusal! Kahi't kape, wala.Anong klaseng hostess 'yan (pancake nga o kaya waffles)

Friday, 8 July 2005 - 5:59 AM

Name: bing

isabela,

salamat sa pagdalo! kape ba at pancake ang gusto mo? beer lang kasi ang inihanda ko. sori, nakalimutan ko pala ang pulutan. si jaleesa nga ang me ari ng thesearemyconfessions.

salamant uli sa pag-iwan ng bakas!

Friday, 8 July 2005 - 6:02 AM

Name: bing

kaibigang sol,

salamat sa pagdalo!

isa ang sakit ng ngipin ang kasumpa-sumpa para sa akin. patanggal mo na ang lahat ng me sira.

salamat uli!

Friday, 8 July 2005 - 9:31 PM

Name: rhada
Home Page: http://mccarroll.blogspot.com

Naku, tiyak na mapapadalas ako dito...hilig ko ang magbasa at magsulat sa ating sariling wika...nahahasa ang aking kakayanan at kaisipan....
sarap...mayroon na naman akong babalik-balikan!!!!

Friday, 8 July 2005 - 10:57 PM

Name: bugsybee
Home Page: http://bloggingbugs.blogs.com

Naku Bing, salamat sa pag kumbida sa inagurasyon ng blog mo na 'to. Medyo mahihirapan akong magbasa at mag-comment dito pero ... (pwede bang inglesin ko na muna ... ha ha, remember I'm not from Luzon and even if we had Pilipino in school, what we were taught aren't enough to allow us to communicate fluently sa ating sariling wika) But this will certainly be a good opportunity for me to brush up on my tagalog so I will learn more than what they taught us in school.
Sa mga kaibigan nating magagaling sumulat sa ating wika, konting pasensya lang po ... matutunan ko rin 'to "with a little help from my friends."

Friday, 8 July 2005 - 11:39 PM

Name: nao
Home Page: http://naomituazon.blogspot.com

kafatid! couldn't get it, kaninong blog itoooohh?? pano na yung isa? haaay.. luv u pa rin =)

Saturday, 9 July 2005 - 1:27 AM

Name: thesearemyconfessions
Home Page: http://thesearemyconfessions.blog-city.com

hi tita bing. di po gumagana yun photo mo when you click "post a comment." i can read all your entries better. thanks tita for fixing the prob :)

to isabela, ako po si jaleesa aka thesearemyconfessions. opo, kulay orange blog ko. actually, yun room ko 3 shades of orange. hindi po masakit sa ulo yun kulay. palagi po akong masaya *hihihi* what can u say about my personality? :) i'd like to know pls ;)

Saturday, 9 July 2005 - 12:01 PM

Name: Teacher Sol
Home Page: http://teachersol.blogspot.com

Sabi ko naman sayo babalik ako dito eh. Naka bookmark na ito sa favorites ko ha, pero pag di na ako bisi saka ako mag-update ng links ko, at pag di na masakit ang ngipin ko. Groggy na ako sobra sa mga gamot na pain killer, tulog ako parati. Di pa ako nabubunutan, sa August 8 pa ang root canal ko, at ang mahal ng bayad sa dentista dito sa Amerika ha, parang ipinabunot ko na rin lahat ng ngipin ko sa presyo.

Congrats nga pala sa bago mong bahay. Ganda! At home din ako dito. Sa next week naman ang inauguration ng amin, (amin?!) basta secret muna, haha. Susuportahan mo ha?

Saturday, 9 July 2005 - 12:18 PM

Name: bing

hello, rhada!

balik ka lang. salamat sa pagdalo sa inagurasyon. beer nga lang ang naihanda, e.

Saturday, 9 July 2005 - 12:25 PM

Name: bingskee

bugsy, sori ha. di ko alam. but true, frequenting sites that promote ang sariling wika ng Pilipinas will help us develop our skills to learn to read, write and talk it.

kaya pala, ang galing mo sa English vernacular.

masaya ako sa iyong pagdalo.

Saturday, 9 July 2005 - 12:30 PM

Name: bingskee

nao, sooner or later, isasara ko na siya. dito na ang tahanan ng bagong Sa Aming Wika.

salamat sa pagdalo, kafatid!

Saturday, 9 July 2005 - 12:35 PM

Name: bingskee

sol, totoo pala ang sabi ng tita Ile na pagkamahal ng service ng dentists dyan. 'lam mo ba, umuwi pa siya dito sa pinas para ipaayos ang ngipin niya.

salamat at nagustuhan mo ang bagong bahay! invite mo na lang ako pag natapos na ang sa 'inyo'.

Saturday, 9 July 2005 - 12:38 PM

Name: bingskee

jaleesa dear,

di ko alam kung paano siya a-appear dito sa post a comment page ko. d'you have an idea pa'no?

salamat nga pala sa pagdalo!

Saturday, 9 July 2005 - 5:13 PM

Name: Beng
Home Page: http://aromaticblend.pinay-expats.com

Hello Bing,

Ang gara nang bago mong bahay :). I was here yesterday and left a comment too pero ewan ko kong anong nangyari...siya po ay hindi lumitaw dito. Ahehehe, baka cancel ang nai click ko instead of continue.

Thumbs up to your new site!!!

Greetings

Saturday, 9 July 2005 - 7:54 PM

Name: bingskee

malamang cancel nga!

hi, Beng! salamat sa pagdalo! salamat din at nagustuhan mo ang bago kong bahay.

Saturday, 9 July 2005 - 8:51 PM

Name: thesearemyconfessions
Home Page: http://thesearemyconfessions.blog-city.com

sorry tita bing pero di ko rin po alam kung paano magwork yun photo nyo. perhaps you can ask the experts like kuya punzi, melcruz, kenji. kaya nga blog-city ang pinili ko kasi click ng click lang ang ginagawa ko sa settings ng blog ko. wala akong kaalam alam sa paggamit ng html. hope you're enjoying your weekend. napakaginaw dito tapos umuulan pa. torture talaga ang winter *hehehe*

View Latest Entries