LINKS
ARCHIVE
« October 2024 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Saturday, 17 September 2005
Resulta ng Unang Markahan
Mood:  chatty
Now Playing: lagaslas ng tubig sa gripo
Topic: Ang Aking si Daryl

Isang gabi ngayong linggong ito, sinalubong ako ni Daryl at nagsabing may ipapakita raw siya sa akin. Sa una ay hindi ko napansin na ang grado niya sa asignaturang Science ang pinakamababa. Ito ang isa sa paborito niya.

Hindi naman talaga mababa ang grado sa Science pero malayo siya sa mga grado ng ibang asignatura. Hindi halos magkakalayo ang lahat maliban sa Science. "Sayang naman, ‘no? Teka nga pala, bakit ito ang resulta sa Science? Di ba ito ang paborito mo?" Huminga nang malalim si Daryl sabay sabing, "Ganito kasi ang istorya nun, Ma…"

klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 9:05 PM
Post Comment | Permalink
Tuesday, 21 June 2005
HETO NA NAMAN KAMI
Mood:  loud
Topic: Ang Aking si Daryl
Hay, naku, ang aking mga anak, heto na naman kami. Bumalik na naman ang mga sumusunod na senaryo: a. mga notebook at iba pang gamit sa eskuwela na iniiwan lamang sa center table sa sala b. mga sapatos na iniiwan lang sa ilalim ng sofa c. mga hanger na nagkalat sa sahig ng room nila d. mga procrastination habits na hindi maiwasan ‘Yan pa lang naman. Pero tiyak na tiyak habang tumatagal ang school days, marami pa akong mapapansin. Mangangaral na naman na para bang hindi pinapakinggan kasi inuulit-ulit ang mga pangit na gawi at gawain. klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | View Comments (4) | Permalink
Monday, 2 May 2005
HINDI SIYA BINGI
Mood:  irritated
Topic: Ang Aking si Daryl
Sa totoo lang, naaawa ako kay Daryl sa mga ganoong pagkakataon. Nagiging madalas kasi. Mula kay Kay, hanggang kay Nanay, hanggang kay Papsie e nakakatikim siya ng pagtaas ng boses. Hindi naman siya bingi. Pwede namang magsalita nang malumanay at madahan. Isa pa, hindi naman bobo si Daryl para hindi maintindihan ang mga sinasabi nila. May kakulitan man siya, hindi namang kailangang sigawan para maintindihan niya. Wala sanang problema kung minsan lamang kaso mo nagiging madalas. klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | Permalink
Thursday, 14 April 2005
DI KO INAKALA
Mood:  special
Topic: Ang Aking si Daryl
Noong nakaraan, ikinuwento ko ang pagigiging matatakutin ni Daryl. Pero ngayon, ang katapangan naman niya ang ikukwento ko na di ko inakala. Noong nakaraang linggo ay nabuo na sa isip ko na ipaalala kay Papsie ang tungkol sa pagpapatuli ni Daryl. Binanggit ko ito nang matatapos na ang linggo. Sabi ni Papsie, malamang daw na sa Martes ng susunod na linggo dahil coding ang sasakyan. Hindi rin pala pwede dahil pupunta si Daryl Jules sa iskul. Noong Miyerkules ay natuloy ang pagpapatuli ni Daryl. Sa totoo lang, e hindi ako mapakali sa trabaho ko nang araw na iyon dahil sa naiisip ko na matatakutin si Daryl at baka hindi matuloy ang pagtuli. Napipiktyur ko kasi na biglang mag-ba-back-out ang aking bunso at sabihin kay Papsie na umuwi na sila. Natatakot din ako sa posibilidad na dahil sa sobrang takot e hindi umipekto ang anaesthesia. klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Updated: Wednesday, 6 July 2005 8:49 PM
Post Comment | Permalink
Sunday, 3 April 2005
AYAW NIYA RAW
Mood:  cool
Topic: Ang Aking si Daryl
Si Daryl ang isa sa mga batang sobrang matatakutin. Buti nga nabawasan na. Noong maliit pa siya, madalas napupuyat ako kapag nakakapanood siya ng nakakatakot, o di kaya’y nakapakinig ng kuwentong kababalaghan. Sobra kasi ang lakas ng imahinasyon niya. Hanggang ngayong 12 taong gulang na siya, may mga pagkakataon pa rin na nauunahan siya ng pag-aalala o takot. Noon ngang Sabado de Gloria e bigla naming naisip na sumama sa swimming nina Kuya Pen. Masaya si Kay at si Daryl pero nang malaman ni Daryl na dagat ang pupuntahan nawala ang excitement niya. Paano nga ay kakatapos lang ng mga balita ng aksidente sa dagat gaya ng tsunami. Ganun din yan noong madalas ang mga balita tungkol sa mga bumagbagsak na eroplano. Hindi na lang daw siya pupunta sa ibang bansa. Ayaw na raw niya maging environmental scientist kasi wala sa Pilipinas noon pero kung pupunta pa sa ibang bayan e wag na raw kasi baka bumagsak ang eroplano. Tsk tsk nakakapag-iling ng ulo, di ba? klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | Permalink
Saturday, 12 March 2005
ANG AKING SI DARYL
Mood:  special
Topic: Ang Aking si Daryl
Siya ang pangalawa kong supling. 12 taong gulang na. Matangkad pa sa akin. Lalo na siguro pag na*** (ayaw niya ipagsabi) na. First year high school na siya. Salutatorian din nang grumadweyt noong elementary. Malambing na bata. Sa edad niya, kakaiba siya. Hindi kasi mahilig sa barkada. Hindi katulad ng ate niya. Mahilig lang siyang maglaro ng computer games gaya ng Age of the Empire at ng SIMS. Mahilig din magsurf sa net tungkol sa mga paborito nyang istorya gaya ng Lord of the Rings. Mahilig din sa Blogs. Madalas niyang pinupuntahan ang blog ng GMA-7. Kapuso daw kasi siya. Die-hard na maka-siyete. Makakasundong mabuti kung ang kausap ay maka-siyete din. klik mo para sa buong kwento

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink

Newer | Latest | Older