LINKS
ARCHIVE
« September 2024 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Monday, 3 October 2005
Boses na Nahiya
Mood:  crushed out
Now Playing: Mountain Dew ads
Topic: Si Ako

Noong nakaraang Sabado, may isang pagdiriwang na aking pinuntahan kasama ng ilang kaibigan. Hindi na sana ako pupunta kaya lang palagi kong natatandaan ang sinasabi ni Papsie na pag may nag-imbita, puntahan kahit sumaglit lamang. Yun sana ang balak ko, ang sumaglit lamang, kaso mo nakakita ako ng videoke at Fundador he he at ang balak na umuwi ng 1:30 pm ay naging 3:30 pm.


Gustung-gusto ko ang umawit. Pumili ako ng aking aawitin – Power of Two ni Aiza Seguerra. Pero hindi ko ito naawit nang maayos, nahiya ang boses ko, nawala pa yata sa tono. Alam ko namang awitin iyon kaya lang nadaig ako ng hiya. Marahil hindi kasi ako sanay umawit nang hindi sa bahay o lugar namin, at hindi ko mga kapamilya o malalapit talagang kaibigan ang naroon. Hangang-hanga nga ako kay S at kay O sa bravado nila sa pag-awit. Pero hindi ako naiinggit. Kanya kanyang talento ang bawat tao, di ba.

Umawit na rin ako nang ipasa sa akin ang mike ni L. Kaunting pagkakataon iyon at medyo limot ko na ang hiya, marahil dahil sa Fundador.


Hindi ko mawari kung saan naman humuhugot ng lakas ng loob si D sa pag-awit kasi kahit ano ang gawin, wala sa tono, palpak ang rendition, at mali-mali ang lyrics na binabasa na nga! Lalo tuloy akong pinanghinaan ng loob sa kanya.

Kanya kanyang tapang talaga. Palagay ko wala dito ang tapang ko, at buti alam ko ito.

Posted by bingskee at 9:28 PM
Post Comment | View Comments (5) | Permalink
Wednesday, 3 August 2005
Dalawang Puting Buhok
Mood:  not sure
Now Playing: Billy Jean
Topic: Si Ako

Naman. Talagang naroon na sila sa aking tuktok. Akala ko repleksyon lang ng ilaw. Mga puting buhok pala. Palagay ko, hindi lamang sila dalawa, baka me mga kabarkada pa. Ilang araw na rin silang nagpapakita - ang dalawang puting buhok. Sila pa lamang ang naglakas ng loob magpakita. Malay ko ba naman kung nagtatago sa ilalim ang iba. Nag-aalala na baka ako ay atakihin pag nakita kong isang lupon na pala sila?


E, ano ba naman ang problema? Ano naman ang problema kung lahat sila ay maging puti na? Sign of old age? Asus, meron nga dyan beynte anyos pa lamang, mas marami na ang puting buhok. Nasa lahi DAW kasi. Yung iba nga, carry ang puting buhok. Uso na kasi ang highlights ngayon. Para lamang silang ganun – highlights sa buhok. E, pa’no pag dumami na? ‘Yung itim na ang highlights ngayon.


Ang kulay ng buhok, ayon sa mga eksperto, ay dahil sa melanin na bunga ng melanocytes at keratinocytes. Ang una ay isang skin cell na responsible sa paggawa ng itim o matingkad na brown na kulay, at ang huli naman ang siyang responsible sa kabuuan ng buhok. Bakit iba-iba ang kulay ng buhok, tiyak tatanungin mo. Ang itim o matingkad na brown na kulay ay nagtataglay ng totoong melanin na matatagpuan sa ating balat. Ang blond at pulang buhok naman ay nagtataglay ng melanin na may halong sulfur at iron. Ang buhok ay nagiging gray kung luma o matanda na ang melanocytes at wala na ito ng kinakailangang protina para makagawa ng melanin. Ang puting buhok naman ay nag-a-appear kung ang mga air bubbles ay sumama sa tumutubong buhok.


Meron pang bonus ito. Ang maagang pagputi ng buhok ay masasabi ring dahil sa sobrang pag-aalala, sobrang pagkagulat, sakit o kakulangan, at sa ibang kaso, lahi.


Kasama sa buhay ang pagtanda, pagkaluma, pagkalaos. Kasama nitong nawawala ang kinang at ganda ng kahit na anong parte ng katawan. Ang mahalaga, pumuti ang buhok natin dahil tayo ay may pinagkatandaan. Pumuti man ang buhok, tayo ay naging tayo – isang nilalang na ginamit ang katawan (?) kasama na ang lakas, talino at kakayahan para maging isang kapaki-pakinabang na Filipino.

Posted by bingskee at 11:28 AM
Post Comment | View Comments (10) | Permalink
Monday, 30 May 2005
ANG INAHIT NA KALIWANG KILAY
Mood:  chatty
Topic: Si Ako

Madalas akong napagkakamalang mataray dahil sa aking kaliwang kilay. Hindi kasi pantay ang kanan at kaliwang kilay ko. Mas nakaarko ang kaliwa. Inggit na inggit ako (hindi naman yung inggit na papatay o maninira ng kapwa, ha?) sa mga nilalang (babae o lalaki) na biniyayaan ng magandang pares ng kilay. Nagmumukha kasing maamo ang mukha ng isang tao kapag maganda ang tubo ng kilay at hindi nakaarko.

Kailangang ahitin o di kaya’y bunutin (pluck yata yun sa Ingles) ang kilay ng isang babae kung kalat o sabog at kung makapal ang kilay niya. Pwede rin namang mag-ahit ang mga lalaki (basta palihim ha, or els, mapagkakamalan kayo). Sa madaling salita, kailangang ayusin ang kilay para naman maging maayos ang mukha.

Mabalik tayo sa kilay at sa pagiging mataray. Ilang beses na akong nasabihan na akala nila ako ay mataray at hindi approachable dahil sa aking ahit na kaliwang kilay. Kapag ako na ay nagbiro at ilang panahon na akong nakasama, sasabihin sa ‘kin, “Mabait ka pala. (Naks! Sila ang me sabi niyan, ha)” o di kaya’y “Ok ka pala!” Napapangiti lamang ako. Ilang kwento lang at mga green jokes, mabait na ako? Hindi lang nila alam kung paano ako magalit he he.

Paano kung ang isang tao ay duling o banlag? Sabi kasi ng iba “Ang duling walang gawang magaling.” Sapat na bang maniwala at husgahang wala ngang gawang magaling si duling? O di naman kaya yung mga obserbasyon na “Ang laki ng bibig niyan, siguro tsismosa yan!” Narinig nyo na ba yung kasabihang “Ay, maitim ang gilagid, pangit ang ugali niyan.” Dapat bang paniwalaan ang mga ‘yon?

Para sa akin, nagiging maganda ang tao kahit hindi naman siya kagandahan o kagwapuhan kung ang naririnig sa kanya ay maganda, o ang ginagawa niya ay maganda. Sa mga kontrabida nga sa pelikula, ilan diyan ang matutuwa ka at sila pa ang down-to-earth people sa totoong buhay. Pero pansinin mo, mukha silang lahat mataray, matapang, nakakatakot pa nga minsan. At yung ilang mga naggagandahan at naggwa-gwapuhan ang siyang maisusumpa mo ang pag-uugali.

O, tatanungin mo ba kung bakit ako nag-aahit ng kilay? Hindi para magmukhang mataray. Kelangan kong alisin ang mga naliligaw na kilay. At oo nga pala, pareho kung inaahit ang mga kilay ko – kaliwa at kanan.


Posted by bingskee at 10:01 PM
Updated: Saturday, 9 July 2005 8:53 PM
Post Comment | View Comments (2) | Permalink
Thursday, 5 May 2005
NATUNAW ANG GALIT KO
Mood:  special
Topic: Si Ako
Hay naku, ang aking si Kay! Kagabi ay ginalit niya ako. Sobra kasi ang allergy ko sa pagdadabog. Naghugas na siya kaagad ng plato. Habang naghuhugas ay natanaw niya ako na bubuksan na ang PC. "Ma, mag-iinternet ka?" "Oo, bakit?" "E, gagamitin ko kasi ang phone." "Mag-che-check lang ako ng email." Pinagpatuloy ko ang pag-connect. Katagal nga maka-connect. Naisip kong isang araw e ipa-pacheck ko na naman kay Glenny ang PC ko. Naka-connect na ako pagkatapos ng 5 minuto. "Hayyy, salamat!" Binuksan ko na ang Yahoo mail ko. Naisip ko ring bisitahin ang blog site ko habang nag-o-open ang Yahoo mail. Sobrang kakainip, ang bagal talaga mag-open ang Yahoo mail ko. klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | View Comments (3) | Permalink
Friday, 22 April 2005
NAWALA SA SARILI
Mood:  caffeinated
Topic: Si Ako
Malabo ang mata ko. Kakainggit nga ang iba e, hanggang ngayon e 20/20 ang vision nila. Ako 500/550, nearsighted. Kaya nga nagdesisyon na akong mag-contact lens. Naku, kahirap pala magkabit ng lintyak na yan. Inabot nga kami ng doctor sa mata ng isang oras hanggang matutunan ko ang magkabit ng contacts. Parang gusto ko nang sumuko noon. Kaya lang bayad ko na. Sa una lang pala iyon. Ngayon, sisiw na lang sa akin ang magkabit at magtanggal. At heto ang rutina ko gabi’t araw: (sa gabi) itapon sa bintana ang disinfecting solution na natengga buong araw at palitan ng bago pagkatapos ay tatanggalin ang contacts at ibabad doon sa lalagyan na me disinfecting solution, (sa araw) kukunin ang contacts at kung me natatanaw na foreign objects babanlawan ng disinfecting solution bago ikabit. Ngayong umaga, nag-disintegrate yata ang memory traces ko. Pagkapaligo ay agad na umakyat ako. Kulang talaga ako sa tulog at kahit na nakapag-yoga na at nakapaligo na e tila tulala pa rin ako. Nang umupo na ako sa harap ng tokador at binuksan ko na ang lalagyan ng contact lens, nagulat ako na wala ang mga contact lens! ******ng ina! Saan na napunta ang mga iyon? Hanap sa sahig – wala! Hanap sa me tokador – wala! Hanap sa tuwalyang ginagamit kong placemat pag nagkakabit at baka dumikit doon – wala din! Paano nawala??? "Nakatulog ba ako na me contact lens? Hindi naman, e, tanda ko na tinanggal ko iyon! Oo, tama, tinanggal ko ‘yon!" Sinuot ko uli ang salamin at wala nga akong contact lens kung meron e tiyak malabo ang tingin ko pag isinuot ko ang salamin. "Saan napunta?" Nag-uumpisa na akong mataranta. Kapa, kapa. Kinapa ko ang mga pangyayari. Holi cow! Anak ng tipaklong! Ang nagawa kong rutina e ‘yong panggabi – tinapon ko ang disinfecting solution sa me bintana kasama ang contact lens! Anak ng tokwa! Dali-dali akong nagsuot ng shorts at tshirt. Sabi ni Papsie, "O, o, na***** yan, o!" Dali-dali akong pumunta sa tapat ng bintanang pinagtapunan ko – walang bahid ng solution – nasa may eaves pa ang mga contact lens! "Bakit?" tanong ni Papsie. Hindi ako makasagot. "Bakit ba?" Nabubulul-bulol akong nagpaliwanag. "Sus! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?" Kinuha ni Papsie ang magkakapatong na upuan at tumuntong ako roon. Naroon at nag-sa-sunbathing ang dalawang contact lens. Hindi ko na pinansin ang tawang nang-aasar ni Papsie. Nawala talaga ako sa sarili. Hindi ko maintindihan bakit nagkaganoon. Tanda na ba ito ng pagtanda? Omigad! Baka kung saan na lang ako damputin balang araw,a…

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | View Comments (3) | Permalink

Newer | Latest | Older