LINKS
ARCHIVE
« July 2005 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Tuesday, 12 July 2005
Walang Katiyakan
Mood:  chillin'
Now Playing: Beginning of Something Wonderful (Orange and Lemons)
Topic: Mahahalagang Bagay

Nakakabigla ang balita na nasa hospital ang isa sa mga empleyado sa kumpanyang pinapasukan ko. Noong isang araw lang e kausap ko ang taong iyon. Nakangiwi raw ang mukha dahil sa stroke.

Wala talagang katiyakan ang buhay. Ngayon malusog ka, kinabukasan me sakit ka na. Buti sana kung simpleng sakit lamang. Ngayon, magkasama kayo ng mahal mo, bukas e me iba ka na o siyang kasama. Ngayon, masaya ka sa mga kaibigan mo, bukas kaaway mo na sila. Ngayon ang dami mong pera, bukas nagdarahop ka na.

Nakakatakot kung iisipin. Kaya nga nakapagtataka na walang tigil ang tao sa pagpapasasa sa yaman, sa karangyaan, sa pakikipagsaya o pakikipagdiwang (kadalasan ay pakikipag-inuman). Walang tigil ang tao sa pagpaparami ng pera. Buti nga sana kung sa mabuting paraan. Ang kaso kahit na sa masamang paraan, basta magkapera, o umangat, o mabigyan ng pabor, ginagawa para lamang sa pera.

Nakakapag-alalang isipin na baka bukas ay kunin na tayo ni Lord. Ano naman ang mukhang (este espiritu pala) ihaharap natin sa Kanya? Dapat na talagang seryosohin ang bagay para sa ating kaluluwa sapagkat lahat naman ng nabubuhay dito sa mundo ay lilipas at lilipas din. Sa alabok ang tungo.

Walang katiyakan ang lahat. Kaya dapat na mag-ipon na lamang ng kayamanan na puwedeng dalhin pag ika'y yumao na. Lahat kasi ng yaman dito sa mundong ibabaw ay mawawala kung di man ay nauubos.

Walang katiyakan ang lahat. Kaya dapat na gawin ang lahat ng pwedeng makapagbibigay ng kasiyahan sa iyong mga mahal sa buhay at sa iyong kapwa. Kahit paano may pamana ka na maiiwan at tiyak hindi ito mawawala.

Walang kasiyahan ang lahat. Kaya yakapin mo madalas ang iyong mga anak at sabihin sa kanilang mahal mo sila. Ipadama sa iyong kabiyak o sa minamahal ang totoong pagmamahal. Gawin ang para sa magulang bago nila iwan ang mundo. Patawarin ang mga taong lumalapastangan sa iyo sa kahit anong paraan. Unawain ang kahinaan ng sarili, ng iba at ng mga nasa paligid.

Parang pari, ano? Pero seryoso ako. Bigla ko lang kasing naisip ang kalagayan noong kasama namin sa trabaho. Naaawa man ang karamihan, hindi rin makalimutan na isa siya sa mga taong makati ang dila. Sa madaling salita, tsismoso. Ayaw ko nang ganito - na matatandaan ako nang ganito. Gusto ko, pag nawala ako, ma-mi-miss ako. At maaalala ako nang maganda. Gusto kong mag-iwan ng pamana na ikatutuwa ng mga kaibigan ko, na ipagmamalaki ng pamilya ko.

Walang katiyakan, kaya dapat na ihanda... ang kaluluwa.


Posted by bingskee at 8:19 PM
Updated: Tuesday, 12 July 2005 8:41 PM
Post Comment | View Comments (2) | Permalink

Wednesday, 13 July 2005 - 7:52 PM

Name: Patrice
Home Page: http://lumpianghubad.fil.ph/blog

Yan daw ang isang bagay sa mundo na talagang hindi magbabago...ang pagbabago. Kahit ano pang operasyon ang gawin nila sa katawan nila, di pa rin mapipigil ang pagtanda nila. Kahit anong pagpapayaman ang gawin nila, di pa rin nila madadala yun sa kabilang buhay.
Ang importante ay iparamdam mo at ipaalam mo sa ibang tao na mahal mo sila. Pero syempre, hindi lang dahil mamaalam ka na sa mundo kaya mo dapat magbago.

Wednesday, 13 July 2005 - 8:52 PM

Name: bingskee

hi, pat!

kakatuwa ang touch of comedy sa dulo ng komentaryo mo - Pero syempre, hindi lang dahil mamaalam ka na sa mundo kaya mo dapat magbago.

sumasang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. naks, isa na talaga akong tunay na Pinay, no?

View Latest Entries