LINKS
ARCHIVE
« July 2005 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Sunday, 24 July 2005
Ang Nunal! Bow!
Mood:  caffeinated
Now Playing: huni ng lektrik fan
Topic: Samu't Sari

Humiling ang byutiful na si Nao na mag-post ako tungkol sa nunal. Dahil kyut daw ang nunal ko. (Nunal lang???) Eneweiz, wala naman akong alam sa mga kahulugan ng nunal. Ang natatandaan ko, e, me awit si Vincent Daffalong (na bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan, mind you) tungkol sa nunal. Pero, pipol, di ko kabisado ang awit. Na-re-recall ko lamang ang tono. Pero hindi ang lyrics.


Ang sumusunod ay transleysyen sa wikang Pinoy ng mga kahulugan ng nunal. Naligaw ako sa site na ito. Hindi naman ako mapapaniwalain sa mga astrologo. Pero pagbigyan na natin ang kanilang ilang depinisyon. Kakaaliw din naman. Hindi ko sinasabi na maniwala kayo sa mga depinisyong ito.


ANG NUNAL

- SA KANANG BAHAGI NG NOO – ikaw ay biglang yayaman at tatanggap ng karangalan pagkatapos ng 35 taong gulang, ikaw ay kikilalanin.

- SA KANANG KILAY – ikaw ay ikakasal nang biglaan pero ang mapapangasawa ay maraming mabuting katangian at yayaman.

- SA KALIWANG BAHAGI NG KAHIT NA ANO SA NAUNANG BINANGGIT – ikaw ay mabibigo sa lahat ng balak mo sa pagnenegosyo.

- SA LABAS NA SULOK NG MATA – ikaw ay matatag at may mabuting disposisyon sa buhay ngunit magiging malagim ang kamatayan.

- SA KAHIT SAANG PISNGI NG MUKHA – ikaw ay hindi makakaangat sa katamtamang buhay pero di naman makakaranas ng tunay na kahirapan.

- SA ILONG – ikaw ay magtatagumpay sa lahat ng iyong balakin.

- SA LABI, SA ITAAS MAN O SA IBABANG LABI – ikaw ay mahilig sa mga magagandang bagay sa buhay, mabubuhay nang matagal at bibigay nang husto sa ngalan ng pag-ibig, ngunit mabubuhay rin nang matagal.

- SA BABA – ikaw ay yayaman at magkakaroon ng maraming kaibigan.

- SA GILID NG LEEG – ikaw ay makakaligtas sa pagkasakal, o sa isang malagim na aksidente, at pagkatapos ay mabubuhay nang matagal, at mapapamanahan.

- SA LEEG SA MAY BANDANG LALAMUNAN – ikaw ay yayaman pag ikaw ay nag-asawa.

- SA KANANG DIBDIB – ikaw ay makakaranas nang biglaang pagbabago mula kaginhawan tungo sa kahirapan sa di maiiwasang mga pagkakataon, magkakaanak ng puro mga babae, at mabubuhay nang matagal.

- SA KANANG BAHAGI SA TAPAT NG RIBS – ikaw ay magiging bulagsak, matalino

- SA KALIWANG DIBDIB – ikaw ay yayaman ngunit ikaw ay magiging mainitin ang ulo.

- SA ILALIM NG DIBDIB SA TAPAT NG PUSO – kung ikaw ay isang lalaki, ikaw ay palakaibigan, ngunit magulo ang isip, mahihilig sa sugal, magiging bulagsak at sobra tiwala sa sarili; kung ikaw ay isang babae, ikaw ay tapat sa pag-ibig, matalas ang isip at magkakaroon ng mabubuting mga anak.

- SA KANANG HITA – ikaw ay yayaman pagsapit mo ng 41 taong gulang at magkakaroon ng masaya at magandang pag-aasawa.

- SA KANANG TUHOD – ikaw ay magiging mapalad sa pagpili ng mapapangasawa, ngunit makakaranas ng ilang kalungkutan sa buhay.

- SA KALIWANG TUHOD – ikaw ay magiging pabigla-bigla sa desisyon at walang konsiderasyon, ngunit magiging simple, tapat at mababago tungo sa mabuting kaugalian.

- SA KAHIT SAANG BINTI – ikaw ay walang pakialam sa kahit anong mangyari.

- SA KAHIT SAANG SAKONG – kung ikaw ay lalaki, mahilig ka sa magandang pananamit; at kung ikaw naman ay babae, ikaw ay matapang, aktibo at masipag ngunit mainitin ang ulo.

- SA KAHIT SAANG PAA – ikaw ay magkakaroon ng biglaang pagkakasakit o hindi inaasahang trahedya.

- SA KANANG BALIKAT – ito ay nangangahulugan ng pag-iingat, paglilihim at karunungan.

- SA KALIWANG BALIKAT – ito ay nangangahulugan ng katigasan ng ulo, at isang hindi makontrol na tao.

- SA KANANG BRASO – ito ay nangangahulugan ng kalakasan at di masukat na katapangan.

- SA KALIWANG BRASO – ito ay nangangahulugan ng pagwawagi sa anumang laban at tagumpay sa larangan ng pananalapi.

- SA KAHIT SAANG SIKO – ito ay nangangahulugan ng kawalan ng kapayapaan at hindi panatag na pag-uugali.

- SA TAPAT NG PUSO – ito ay nangangahulugan ng kasamaan at katusuhan.

- SA TENGA – ito ay nangangahulugan ng kayamanan at paggalang.

- SA TIYAN – ito ay nangangahulugan ng karangyaan.

- SA IBABANG BAHAGI NG KANANG TENGA – ito ay nangangahulugan ng pagkalunod.

- SA KANANG PAA – ito ay nangangahulugan ng karunungan.

- SA KALIWANG PAA – ito ay nangangahulugan ng kapahamakan dahil sa padalus-dalos na kilos.

- SA KAHIT SAANG BAHAGI NG LEEG – ito ay nangangahulugan ng sakit sa iyong pagtanda.

- SA KAHIT SAANG BAHAGI NG BABA – ikaw ay may kahanga-hangang disposisyon, masipag, magtatagumpay, at magkakaroon ng maraming kaibigan.

Nyay! Kakatakyut naman ng ibang depinisyon, ano? Pero wala akong kinalaman diyan, ha? Ikumpara n’yo na lamang at sabihin sa akin kung swak ang depinisyon sa inyo, oke?


Posted by bingskee at 11:41 PM
Updated: Sunday, 24 July 2005 11:57 PM
Post Comment | View Comments (3) | Permalink

Thursday, 28 July 2005 - 12:30 PM

Name: bel
Home Page: http://www.kablogstugangpinoy.com

Naku bing, napa-wow ako pagsulpot nitong bahay mo. You always surprise me, girlfriend. Ang ganda-ganda naman. Ang sarap tuloy tumambay. Buti ka pa marunong ng mga ganyan. Alam mo wala akong nunal kahi't saan. Freak yata ako. Pero meron akong star sa palad. Ano kaya ibig sabihin non? Magiging superstar ako ala La Aunor? hahaha!

Thursday, 28 July 2005 - 5:47 PM

Name: bing

salamatin, bel! iba-iba din naman ang provisions ng mga blogsites. katulad dito sa tripod, very easy ang magdownload ng pics as background pero limited naman ang bandwith. ang pinakamadaling imanipulate ay ang blogspot. para sa akin, ha.

totoo? wala ka ni isang nunal? owwws?? ngayon ko lang nalaman na me tao palang ganun. star sa palad? baka ikaw ang tunay na darna??? he he joke

Saturday, 2 March 2019 - 10:18 AM

Name: "mark bermas"
Home Page: http://Markbermas

may nunal ako pero sa baywang sa gitna at meron akong nunal sa baba ng leeg ko sa gitna  at meron nunal sa pusod ko ano ibig sabhin po yan?

View Latest Entries