LINKS
ARCHIVE
« April 2024 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Saturday, 17 September 2005
Bagong Hairdo
Mood:  chatty
Now Playing: boses ni Mike Enriquez
Topic: Ang Aking si Kay

Matagal nang umuungot si Kay na magpagupit ng buhok. Ayaw ko noong pumayag dahil nanghihinayang ako na paiksiin ang mahaba niyang buhok. Isa pa, baka mahirapang magpahaba uli.


Pinayagan ko na rin sa wakas (tutal siya naman daw ang magbabayad ha ha ha). ‘Layered’ ang buhok niya ngayon at hanggang balikat na lang. Hindi naman kataasan ang layers. Mabuti din iyon para hindi mahirap pahabain kung magdesisyon na siyang pahabain. Bumagay naman sa kanya. Sabagay, bumabagay naman ang halos lahat ng gupit sa kanya dahil sa hugis ng mukha niya.

klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 8:35 PM
Updated: Saturday, 17 September 2005 8:39 PM
Post Comment | Permalink
Thursday, 28 July 2005
Ang Kabataang Filipino sa Makabagong Panahon
Mood:  quizzical
Topic: Ang Aking si Kay
Isang likha ni Kay...

Maniniwala ka ba na ang mga kabataang Filipino ngayon, kahit na kami’y rebelde, suwail, magastos at minsa’y walang pakialam, ay nag-iisip din kung ano ang dapat naming gawin upang umangat sa buhay? Maniwala ka. Kami’y nag-iisip din ng paraan para hindi tumunganga na lamang sa aming pagtanda.


Tama, may mga pagkakamali kaming nakamit. Hindi mo ito mabibilang at madalas ang mga pagkakamaling ito ay nagdudulot ng walang kapantay na sakit at sama ng loob sa aming mga magulang. Dulot pa nito’y dagdag-rebelde kapag napagalitan o napagsabihan lamang. Inaamin ko, kami’y mga batang umaarteng alam na ang lahat, ayaw naming magpadaig at mapagalitan. Sino bang nais na laging pinapagalitan? Alam naman namin na para sa amin iyon. Madalas, maririnig mo na masyadong mapagtuklas at agresibo ang mga kabataan ngayon dahil sa paningin na hindi ka “in” kung hindi mo kahit minsan ma’y suwayin ang mga magulang mo. Sabi ng ating pambansang bayani, “ Ang kabataan ang pag-asa ng Inang Bayan.” Pero sino pa ba ang natira na naniniwala sa matagal nang kasabihang iyon? KAMI.


Rebelde ang IBANG kabataan. Bakit nga ba? Ang paghithit ng rugbee, pampalipas-gutom ng mga mahihirap at pagsinghot ng marijuana sa mga kabataang gustong matanggap ng iba. “Nakaka-high!” sa mga salita ng isang binatilyong minsa’y sumubok at habang panahong nalulong. Suriin natin ang paligid ng mga kabataang ito. Sa squatter’s area na lamang, halimbawa, ang paligid doo’y hindi kaaya-aya, pugad ng krimen at mga nagdodroga. Ang kapaligiran ay isang malaking salik at mas lalo na ang mga tao roon. Kilala mo ba si Eminem? Isa siyang sikat na rapper, sa Amerika at maging dito sa Pilipinas. Madaming umiidolo sa kanya at maging sa kanyang mga kanta. Pero kung naiintindihan mo ang mga liriko ng kanyang mga kanta ay makikita mong siya’y biktima ng isang madilim na nakaraan. Ano bang gagawin mo kung makikita mong binubugbog ng iyong ama ang iyong ina? At ang iyong ina, sa harap mo’y umiinom ng kung anu-anong gamot na ikinalulong niya? Naging magulo ang buhay ni Eminem noong kabataan niya at kita pa rin sa kanya ang hindi naghihilom at masaklap na sugat ng nakaraan. Ngunit siya’y halimbawa ng isang mabuting ama. Ibinubuhos niya sa kanyang anak na babae ang kanyang pagmamahal, at kitang ayaw niyang maranasan nito ang karanasang hindi na niya nais pang maalala.


Maaaring naghahanap lamang ng atensyon ang ibang kabataang nagrerebelde. Ipalagay nating nais ng isang binata ang makapiling ang kanyang mga magulang na gabi na umuuwi dahil sa pagkasubsob sa trabaho kaya gumagawa siya ng paraan upang makuha ang kanilang atensyon. Maaaring nais din ng isang kabataan na maramdamang siya’y tanggap. Nais niyang maramdaman na may kalalagyan siya kaya ginagawa niya ang mga nais ng kinabibilangan niyang grupo. Hindi rin naman mapagkakailang may mag kabataang sadyang rebelde, agresibo at lubhang mapagtuklas. May mga nalululong nang labis sa mga bawal na gamot, may mga maagang nabubuntis at nagiging miserable, may mga gumagawa ng krimen na mga menor de edad pa lamang at may mga nagpapakamatay sa ‘di malamang dahilan. Hindi natin matatanggal na talagang may mga kabataang nalilihis ang landas.


Minsa’y nasa mga nagpapalaki din naman ‘yan, kung talagang nagkulang sila sa paalala at pagsuporta, paggabay at pag-alaga. Mahalaga ang paggabay sa kabataan sapagkat gaya nga ng sabi ng mga matatanda, hindi lahat ay alam na ng kabataan.


Hindi rin naman dapat idamay lahat ng kabataan sa mga pagkakamaling nagawa na ng iba. Kung hindi nagkukulang sa tamang paggabay at pagpapaalala ang mga magulang sa kanyang anak, ano ang dahilan upang maging pabaya ang isang bata? Nasa desisyon din ‘yan ng isang kabataan kung paano ang paggawa ng landas na tatahakin niya. Hindi dapat hatulan ang kabataan dahil sa mga sabi-sabi at pala-palagay lamang dahil hindi lahat ay mga sira ulo’t nagdodroga, mga may bisyo’t suwail at mga rebelde.


Himalang maituturing ang isang batang pinili ang edukasyon kaysa droga. Marami pa naman ang gumagawa ng himalang ito. Hindi ba natin ito nakikita? May pag-asa pa. Ang negatibong pananaw sa kabataan ngayon ay mali naman, ‘di ba?


Ang mga matatanda’y minsa’y naging mga kabataan din. Sinuway din nila ang kanilang mga magulang, nagpadala din sa barkada nila. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay bigyan kami ng pag-asa. Isang tanong lang ang nasasaisip ko. Bakit kapag mali’y sobra-sobra ang pagpuna samantalang kapag tama, minsan pa’y nakakaligtaang kilalanin? Madaming kayang gawin ang mga kabataan. Maabilidad kami’t matatalino, madaming ideya’t malikhain kaya bakit ‘di niyo kami bigyan ng pagkakataong mapatunayan ang mga maaari naming magawa?


Kabataan nga kami, pero may sariling pananaw at pag-iisip din. Hindi kami manhid sa mga sakripisyong ginagawa ng aming mga magulang at kahit papaano’y mulat din kami sa mundong ginagalawan nating lahat. Sa pagtagal ng panahon, lalo pang lumalawak ang pang-unawa namin sa buhay, kung sa paggising ba nami’y may naghihintay na kinabukasan at tagumpay. Mahirap bang paniwalaan? Hindi din natin alam. Tulad na lamang ni Winston Churchill na malakas uminom at madaming bisyo, sino bang mag-aakalang magiging isa siyang mabuting pinuno? At si Adolf Hitler na walang bisyo’t malusog ang magiging puno’t dulo ng isang pandaigdigang digmaan? Malay ba natin na ang mga kabataang suwail at rebelde ang magiging pag-usad ng kabuhayan at kinabukasan ng ating bansa sa hinaharap? Isang survey ang lumabas sa Asya na nagsasabing ang mga kabataan daw ngayon, kahit na sila’y magastos, mataas ang pagnanasang kumita ng malaki at nais sa buong mundo’y magtagumpay, ay may malasakit at nais pa rin na maging mapayapa ang mundo kaysa makita itong bumagsak. Mas nais daw nilang tumira sa mundong walang gulo. Ang kabataan ay hindi makasarili. Sino ba ang nagsabing ‘di kami nagmamalasakit?


Alam ng lahat na masarap ang maging kabataan. Masarap magkaroon ng kalayaan, mabigyan ng pera araw-araw, gastusin ito, magsaya na parang wala nang bukas at isipin ang gagawin sa susunod na araw. Hindi mo ‘to matatanggal sa isang bata. Pero kami na ang nagsasabi, sa paglipas ng panahon, napagtatanto din naman namin na pag-unlad ang nais namin. Alam ng mga makabagong isip namin na ang buhay ay hindi puro sarap, minsa’y kailangan mong sumugal at maghirap upang makamit ang nais na tagaumpay. Hindi kami magiging pabigat sa aming pagtanda… kami ang pag-asa ng Inang Bayan at hindi namin kayo bibiguin!


Posted by bingskee at 8:21 PM
Updated: Saturday, 30 July 2005 8:26 PM
Post Comment | View Comments (4) | Permalink
Sunday, 10 July 2005
Dapat Ba Akong Magdiwang?
Mood:  chatty
Now Playing: banda ni Glen sa kalapit-bahay
Topic: Ang Aking si Kay

Noong malaman ko na may boypren na ang anak kong 14 taong gulang, napuno ako ng takot at pangamba. Nagalit din ako sa loob-loob ko. Tanong ko sa sarili ko, "Bakit noong ako ay kasing-edad niya, wala sa isip ko ang mag-boypren?"


Sadya yatang madaling maakit ang mga kabataang lalaki sa byuti ng anak ko. Meron nga yata yung tinatawag na ligawin. Masaya man ako na hinahangaan si Kay, nag-aalala naman ako para sa kanya:

*Baka masaktan lang siya.

*Baka lokohin lang siya.

*Baka masira ang pag-aaral niya.

*Baka mabuntis siya sa maagang edad.

Siyam na taon pa lamang si Kay noon ay meron nang nagregalo sa kanya ng malaking teddy bear, wala namang okasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nalilimutan ng lola ng batang iyon – botong-boto sa kanya. Pero ngayon, mas matangkad na si Kay sa kanya. Matapos nun, marami na ang mapapansin mo na aaligid-aligid. Isang araw nga, summer pagkatapos grumadweyt ni Kay sa elementarya, habang kami ay nagkakatipun-tipon sa labas, may lumapit sa hipag ko na isang gwapong bata. Ang tanong – "Saan po ba dito nakatira si Czarina Kay _________?" Kumpleto pa pati apelyido.

klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 2:11 PM
Updated: Sunday, 10 July 2005 7:40 PM
Post Comment | View Comments (2) | Permalink
Saturday, 9 April 2005
ANG MGA LIKHA NI kAY
Mood:  special
Topic: Ang Aking si Kay
Hindi ako nambobola nang sabihin ko na magaling gumuhit si Kay. Nasa kindergarten pa lang siya noon, 'lam ko na pag lumaki siya magaling siyang guguhit. Makikita naman kung paano ang paraan niya sa pagguhit kahit bata pa siya noon. May sarili siyang istilo. Ngayon, sisiw na sisiw lang ang pagguhit para sa kanya. Kumikita na rin yan. Kahit na maliit lang ang tinatanggap niya, nalalaman naman niya ang halaga ng pagtatrabaho. Pambili niya ng Candy magazines.O, huwag kang hihinto sa pagbabasa, sige na at masdan mo... narito ang mga likha ni Kay

Posted by bingskee at 10:01 PM
Post Comment | Permalink
Monday, 28 March 2005
ANG PAGGUHIT NI KAY
Mood:  special
Topic: Ang Aking si Kay
Mahilig si Kay gumuhit. Magaling talaga ang kamay. Kahit na sarili niya kaya niyang iguhit. Sabi nga ni Zen noon, malalaman mo na magaling gumuhit ang isang tao kung maiguguhit niya ng maayos ang mga kamay at ang mga paa. Naisip ko noon na magaling nga ang anak ko. Maliit pa lang si Kay, alam ko na ang talentong ito ay hindi na mawawala. Dahil mahilig din akong gumuhit, palagi ko siyang ini-encourage. Ang mga bata naman, lalong pinupuri, lalong ginaganahan. Talagang kapansin-pansin sa kanya ang galing na gumuhit. Kitang-kita mo ang interes habang gumuguhit ako para sa mga proyekto sa iskul. Makikita mo na lang siya sa isang tabi na panay ang iskribol, tahimik na pini-perfect ang sariling drowing. klik mo dito para sa buong kwento

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink
Sunday, 20 March 2005
NAKAKALUNGKOT DIN PALA
Mood:  sad
Topic: Ang Aking si Kay
Taun-taon, mula nang mag-aral sila Kay at Daryl, umaakyat kami sa stage ni Papsie para sa magsabit ng mga medalya at ribbon sa aming mga anak. Kadalasan kasi tatlong estudyante lamang ang kinikilala sa mga pribadong eskuwelahang pinapasukan nina Kay at Daryl.

Pinag-usapan na namin ni Papsie ito na ihanda rin ang aming mga sarili sa mga hindi inkiaasahang pangyayari gaya ng posibleng hindi pagkakasama nila sa kikilalanin sa Recognition Day. Hindi kami dapat mag-react violently. At dumating nga ang pagkakataong ito.

klik mo dine para sa buong kwento

Posted by bingskee at 11:01 PM
Updated: Sunday, 3 July 2005 9:22 PM
Post Comment | Permalink
Thursday, 24 February 2005
Ang Aking si Kay
Mood:  special
Topic: Ang Aking si Kay
Wala si Kay sa bahay ngayon. Nasa Sacramento Valley siya sa Tanay, Rizal. Tatlong araw siya doon. Dumalo sa isang Leadership Training. Siya ang byutiful kong anak (naks, syempre anak ko e - love my own he he). Kinse anyos na siya. Napakabata pa pero marami na ring sinusuong na pagsubok sa buhay. Ewan ko ba, alam ko namang malakas ang loob ng anak ko at isang lider pero hindi ko maiwasan ang mag-alala. Ganoon yata ang mga ina talaga. Noong unang araw nga ng pagpasok ni Daryl (ang pangalawa kong anak) sa high school at unang beses na umuwi mag-isa na hindi sinundo ni Papsie, sobra rin ang pag-aalala ko. Hindi nga ako nag-OT noon at inabangan ko ang pag-uwi. Nahuli lamang nang ilang minuto e hindi na ako mapakali. klik mo para sa buong kwento

Posted by bingskee at 11:01 PM
Updated: Saturday, 2 July 2005 4:13 PM
Post Comment | Permalink

Newer | Latest | Older