LINKS
ARCHIVE
« May 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Sunday, 22 May 2005
ANG PUMAGITNA SA NAG-UUMPUGANG BATO
Mood:  mischievious
Topic: Ang Lipunan

Ang hirap nun. Masakit pa. Imadyinin mo na lang.

Ang mundo ng blogging ay maihahalintulad sa isang pamilya. Iyon nga lang walang tatay at nanay na maituturing. Panay putok sa buho kung ganun??? Maaari sabihing ganun kasi iba iba ang pinanggalingan. Pero isang pamilya pa rin.

Sa isang pamilya, lalo na iyong maraming magkakapatid, mayroon diyan ang magka-vibes, magkasundo o magkakampi. Saan ba nagkakasundo? Siyempre, sa mga bagay-bagay – hilig, ugali, paniniwala, bisyo, at kung anu-ano pa. Pero hindi lahat magkakasundo o magkakampi. May grupu-grupo rin sa mga magkakapatid. At madalas ang mga ito ay nagtatalu-talo na minsan pa nga e nauuwi sa away. Sa ganitong mga eksena, sa tuwina e meron mga kapatid na hindi kasali sa away o hindi nakikisali – sila yung pumapagitna. Ang hirap ng sitwasyon na iyon. Paano kung pareho mong gusto o kasundo?

Hindi ito madali. Minsan kailangang isakripisyo mo ang isa para lamang lumabas ang totoo. Minsan kailangan mo namang tumahimik na lamang kahit na gusto mong umayon sa isa na kapareho ng paniniwala mo para lang hindi lumala ang gulo.

Sa mundo ng blogging, alam ko na may mga ganitong eksena. Mahirap ang malagay sa sitwasyong nasa pagitan ng mga nag-uumpugang bato. Hindi maiiwasan na ang kaaway ng isa ay kaibigan naman ng isa. Kahit na may puntos ang isang kaibigan (na katunggali, kadiskusyon, o kaaway ng isa pang kaibigan), mapipilitan na lang siyang manahimik. Dapat nating irespeto iyon. Pero dapat ding hayaan na lang ang magkadiskusyon na resolbahin ang kanilang hidwaan. Kung kaibigan ka man, puwede kang magbigay ng opinyon pero huwag kang makisawsaw sa isyu na halos nanggagalaiti ka sa galit. Maging patas kahit saan man at kahit kailan man. Maging magalang din sa opinyon ng iba at gawin ang di pagsang-ayon sa mapayapang paraan. Huwag gamitin ang anumang behikulo upang mailabas lamang ang mga natutulog na hidwaan. Isa pa, dapat bang me kumpetisyon sa isang pamilya?

Isang pamilya na may iilang hangarin – ang maibahagi ang nalalaman para makatulong, ang makapagbigay ng impormasyon, ang mapaunlad ang kakayahan sa pagsusulat at kung minsan pa nga, ang makapagbigay ng aliw. Tandaan na lamang sana ang mga mabubuting hangarin na ito. Isang pamilya ang mundo ng blogging at ang dapat mamayani ay ang peace at understanding.

Mabuhay ang lahat ng bloggers!


Posted by bingskee at 10:01 PM
Updated: Saturday, 9 July 2005 9:24 PM
Post Comment | View Comments (3) | Permalink

Wednesday, 6 July 2005 - 9:39 PM

Name: darkblak

minsan po hindi talaga maiwasan yung mga ganun bagay... may mga problemang madaling lutasin may mga problema din namang mahirap ayusin, lalo na kung ang pinagmulan ng gulo ay tinatawag na "Pride". Yan ang pinaka mahirap kalabanin sa loob ng isang maayos na pamilya.

Wednesday, 6 July 2005 - 9:40 PM

Name: thesearemyconfessions

tita bing, kami po ng siblings ko ay magkasundo palagi. we voice out our opinions/thoughts pero never naman pong nag-away kami. siguro nung maliliit pa kami kasi yun bro ko mahilig kasi mangulit (only boy kasi sa pamilya). hanggang ngayon magkakasama kaming 5 sa gimikan. masarap kapag malaki ang pamilya lalo na't nagkakasundo at nagkakaisa kayong lahat.

Wednesday, 6 July 2005 - 9:41 PM

Name: bingskee

@darkblak - oo, isa ang pride sa nagiging dahilan, lalo na ang false pride.

@thesearemyconfessions - mabuti yan. wala namang magdadamayan kung hindi ang magkakapatid. mahusay ang iyong mga magulang kung ganun! congrats sa kanila.

View Latest Entries