LINKS
ARCHIVE
« June 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Tuesday, 14 June 2005
ANO BA ANG KINAIN MO?
Mood:  chatty
Topic: Tagahalakhak

Madalas si Papsie ang pasimuno ng kalokohan tuwing naglalaro sila ng mah jong ng kanyang mga kaibigan. Noong isang araw, (sabagay hindi lamang noong araw na iyon) nakatuwaan na naman niya ang magpalabas ng masamang hangin sa harap ng mga kalaro niya. Siyempre, tumayo ang isa dahil hindi nakayanan at ang isa naman ay natalo dahil na-disturb yata ng amoy ng u**t niya. Isa sa mga miron ang hindi nakatiis at nagtanong, “Ano ba ang kinain mo? Patay?” Tawanan ang lahat. “Putsa, amoy patay na kasi, e. I-deposito mo na kaya yan!” Halakhak at hagikgik lamang ang tugon ni Papsie.

Gross, ‘no? Hindi ko naman sinisiraan ang asawa ko. Fact of life na ‘to, e – mahilig talaga siya mang-gud taym, at maraming kalokohan sa katawan! Pero gusto kong I-pokus ang istorya sa tanong ng miron –“Ano ba ang kinain mo?” Mayroon bang kinalaman ang pagkain sa amoy ng u**t? Nabasa ko, meron pala..

Lahat pala tayo ay may gaas o hangin sa tiyan. Ang sobrang dami ng gaas o hangin sa tiyan ay tinatawag sa Ingles na flatulence (Hindi ko kayang I-transleyt sa Tagalog). Ang mga gaas na ito pala ay binubuo ng atmospheric nitrogen at oxygen na nalulon(?) natin. Ang mga ibang gaas, gaya ng carbon dioxide, methane, at hydrogen, ay nabubuo sa mga bituka..

Ang carbon dioxide pala ang karamihang nakukuha ng ating katawan at ang ibang gaas na nabuo dahil sa hindi kumpletong pagtunaw ng pagkaing mayaman sa starch at cellulose ay inilalabas sa puwet sa pamamagitan ng u**t (flatus). Ang di kanais-nais na amoy ay dahil sa ilang sulfur compounds..

Ang starch ang isa sa mga pangunahing carbohydrates (nutrients na pinagkukunan ng lakas ng ating katawan). Makukuha ito sa pagkain ng mga tinapay at cereal, mais, sitaw, patatas, atbp. Ang cellulose naman ay makukuha sa pagkain ng mga madahong gulay. Malinaw na sinabi na ang sobra sa kinakailangan ng katawan ng mga nutrients na ito ay hindi maganda at nagiging dahilan ng gaas na pag isinama mo sa ilang sulfur compounds ay magbibigay ng sobrang baho na amoy ng u**t..

Tama lang pala talaga na magdiyeta si Papsie sa mga pagkaing ma-starch..

PAUNAWA: Ang ginagawang ito ni Papsie (ang pagpapalabas ng flatus o fart) sa karamihan ay delikado. Huwag gayahin..


Posted by bingskee at 10:01 PM
Updated: Saturday, 9 July 2005 8:17 PM
Post Comment | View Comments (2) | Permalink

Wednesday, 6 July 2005 - 10:11 PM

Name: isabela

This is one of the funniest posts na nabasa ko. Alam mo, talagang nakakatuwa ang mga Pinoy. Ano ba't naiisip nilang patay ang kinain dahil mabaho ang u**t. Tapos sasabihin pang ideposito. Sarap makinig ng ganyang usapan. Sa kabulastugan lumalabas ang talino ng mga Pinoy. Anong panama ng mga stand-up comic sa Merika? Kung puwede nga lang direct translation, no? Kaya lang nasisira ang punch line, eh.
Tapos, ikaw naman, mare, dedmang tinalakay mo at dinalirot ang u**t. hehehe swabe!

Wednesday, 6 July 2005 - 10:12 PM

Name: bingskee

hi bel, na-miss kita, a! maraming kakatuwa dito sa amin lalo na pag naryan ang mga barkada ni Papsie, at si Papsie mismo ang isang taong hindi nauubusan ng dull moments pag kasama ka niya. very positive ang disposition despite of his condition.

salamat naman at nagustuhan mo.

View Latest Entries