Mood:

Topic: Tagahalakhak
Lahat naman tayo ay naaakit, di ba? Kahit nga may asawa na, nabibighani pa rin. Lalo na ang mga kalalakihan – dumaan lang ang seksing kapitbahay ay nangangandahaba na ang leeg, nakasakay lang sa dyip ang isang babes na luwa ang dibdib e pinagpapawisan na, o di naman kaya nakasabay lang ang isang tsiks na pagkaganda ng buhok e sinundan na. Naalala ko tuloy ang isang karanasan na di makakalimutan. Nag-aaral ako noon sa PUP at panggabi. Tatlong subjects din kaya konting tiyaga. Pasado alas nuwebe na ako madalas nakakauwi. Sasakay ako ng dyip na Sta. Mesa Stop n Shop, bababa ng Cubao, sasakay uli ng dyip na Marikina o Project 4 ang karatula, bababa ng 20th Ave. Minsan pagsakay ko sa Cubao, sa may bandang Ali Mall e may sumakay na babae. Ang bango – grabe! Sobrang kinis from head to toe. Ang ganda ng mukha at higit sa lahat ang ganda ng buhok – mahaba at itim na itim. Parang tulad noong mga nasa commercial ngayon. Syempre pa, lahat ng kalalakihan sa loob ng dyip e sa kanya nakatingin. Ako nga e parang na-tibo ng gabing ‘yon. Di ko rin naiwasan ang humanga sa babaeng itim na itim ang buhok na lalong pinatingkad ng suot na mapusyaw na kulay dilaw na damit. Hindi naman pwedeng di mapansin at ang bango nga. Maya-maya, sabi ng babaeng maitim ang buhok na mabango pa, "Mamaaa, parwaaaa…" Ay, bading pala! Hagalpakan sa tawa ang lahat ng nasa dyip. "Pare, napeke tayo dun, a!" Napansin ko, sa tapat pala ng gay bar pumara ang babae, este, ang bading. Minsan din, pero hindi ito gabi, ay may sumakay na babae mula sa Broadway Centrum (kung saan madalas kaming manood ng sine ni Papsie nung college). Ang ganda rin nung babae. Pero ito naman e totoong babae. Kasarap ngang dagukan ni Papsie e kasi tingin ng tingin. Nang malapit na sa Cubao, sabi ng babae, "Mama, haywi, galing ng brudwi." Ngingisi-ngisi si Papsie pagbaba ng babae.
Posted by bingskee
at 10:01 PM