LINKS
ARCHIVE
« February 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28
Sunday, 27 February 2005
Feeling Close
Mood:  silly
Topic: Ang Lipunan
Akala ko in ako, out pa rin pala. Hinintay ko ang sagot sa mensaheng ipinadala ko. Wala, e. ‘Ika nga, in-ignore! Sa sobrang galak, hindi ko naisip na estranghero pa rin pala ako. Hindi ibig sabihin na minsang sumagot e gusto ka nang maging kaibigan.

Madalas sa sobrang tuwa sa mga mensaheng tinatanggap nakakalimutang mag-isip na may dahilan ang lahat. Malay ko naman na kaya lang sumagot minsan e dahil gusto lang maging nice. Kurtesiya ba. Ayaw lang mambastos. Tulad ko rin naman kadalasan na bumabati kapag may bumabati para lang huwag mambastos. Hindi na nasusundan iyon. Dahil nga hindi ko type ang diskarte o istilo ng taong bumati.

Pero hindi naman ako sour. Nagpapasalamat pa rin. Sa minsang pakikipag-usap o sa maikling palitan ng mensahe, nalalaman mo ang ilang bagay – marami pa rin namang mga taong who makes sense, ika nga. Hindi ka man niya o nila gusto, ang minsang pakikipag-usap ay dagdag kaalaman. Para sa akin, lahat ng dumadaan sa aking daanan ay may naiibigay, may katuturan, at bahagi na rin.

Sobra sanang sarap ng feeling kung in sa mga taong may sense. Pero kung out pa rin, may magagawa ba ako? Syempre naman wala. At hindi ko naging ugali ang ipilit ang sarili kaninuman.

Posted by bingskee at 11:01 PM
Post Comment | Permalink

View Latest Entries